Part 51: Darkness Takes Over..

1.7K 8 0
                                    

Hesitant akong iabot ang bible kay Bogart.

(oo tarantado ako..)

(pero bible pa rin eto..)

"huy! akin na!" wika nya.

O edi inabot ko na nga.

Sinimulang pilasin ni Bogart ng mga pahina, mula sa pinakalikod.

Ewan ko ha, pero parang nangingilabot ako sa ginagawa nya..

..ni dedefile nya ang bible para gawing pambalot ng marijuana!

tiningnan kong muli ang aking mga kasama. 

bakit kaya ganun?

parang excited sila sa ginagawa ni Bogart?

I know for sure na first time ding ita-try ni Margaux ito.. pero..

pati siya, kita ko sa mga mata nya ang kakaibang kislap.. walang takot o pag aalinlangan sa mga susunod na eksena.

maging si Marie na mahinhin.. makislap din ang mga mata.. yung feeling na parang sanay na sanay na siya..

pati yung magsyotang Vanessa at Brenda!

Yung feeling pre naparang nasasapian ng masamang espiritu ang mga nasa loob ng bahay!

Baket parang ako lang ang may pangamba?

Ipinagpatuloy ko ang tagay at pinaikot iyon sa aming anim.. matapos ang isang ikot ay nakatapos ng makapag bilot ng isang stalk si Bogart.

Sinindihan nya ito at at humithit ng malalim.. at pinilit nyang hindi ilabas ang usok.

"Aherm!!" napaubo siya.

Natawa si Marie..

"Hihihhi.. Ang lalim hon.. pasok na pasok yan.." mahinhin nyang wika.

inabot nya ang stalk kay Marie.. at finesse na finesse nyang hinithit ito.

tulad ni Bogart, hindi muna sya nag exhale.. ibinabad nya ang usok nito sa dibdib nya.

pero hindi gaya ni Bogart, nailabas nya ang usok ng walang sabit at hindi sya napaubo.

"Wow.. ang galing ah.." puri ni Bogart sa girlfriend nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon