Clap! Clap! Clap!
Palakpakan naman ang iginawad ng dalawang babae sa amin.
"Ang ganda ng song! ang galing nyo guys!" wika ni Kim.
Kamot lang ng ulo si Daniel, pero napansin kong nakatingin pa rin si Cindy sa kanya.
(Na impressed ba?)
(Sana nga..)
"Ang galing mag gitara ni Daniel ano?" banat ko kay Cindy.
"Oo nga e!" wika naman nya.
Nakita kong namula ang pisngi ni Daniel pero may matipid na ngiti at kislap sa kanyang mga mata.
"Ayiiiiiiieeeeeeeee!" wika naman ni Marcus, Edwin at Robert.
This time namula naman ang pisngi ni Cindy.
"Sabi ni Daniel, kumakanta ka raw?" ask ni Robert kay Cindy.
"Naku! Sinabi mo sa mga kaibigan mo yun?!" nahihiyang wika ni Cindy kay Daniel.
"Ha? e.. oo.. napapagkwentuhan ka namin.." parang nahihiyang wika rin ni Daniel.
Pangiti-ngiti lang sa isang tabi si Kimberly pero kita ko sa mga mata nya na gusto nyang kumanta..
Nahihiya lang siguro... pero the will is there.
Inabot ni Robert ang mikropono kay Cindy.
"Ikaw naman!" wika nya.
"Ha? e naku.. nakakahiya.." pakiyeme nyang wika.
"Sige na! kating kati na ang kamay kong pumalo!" banat din ni Edwin habang pinapaikot ang mga drum sticks nya sa magkabilang palad.
Tiningnan ko si Kim. Tinaasan ko siya ng kilay.
(Ikaw kaya muna?)
Tinaasan din nya ako ng isang kilay. Hindi nya ata na gets ang body language ko.
"What?" ask nya.
"Gusto mo mag try?" ask ko sa kanya.
"Hmm.. since jamming session naman ito.. i'd say i will, pero gusto ko sana e mauna si Cindy." wika naman nya.
Binalingan ko ang babaeng morena.
"Huy.. kumakanta ka naman pala. Pwede bang, ikaw naman? Jamming kayo ni Daniel! One time lang! please?" ask ko sa kanya.
"Ah.. eh.. sige na nga.." nahihiya pa rin nyang wika.
Kinuha ko ang tambourine sa lapag.
"Ano trip mong kantahin?" ask ko sa kanya.
Naka abang ng isasagot ni Cindy si Daniel.
"Yung kanta ng Prettier than Pink. Cool ka lang." sagot naman nya.
"Alam ko yun!" pagbibida ni Daniel.
"Madali lang beat nun." wika naman ni Edwin.
"Ano chords nun Daniel?" ask ni Marcus.
"C-G-F-G ang intro. C, G Gm at F ang stanza. Fm C, Fm C, Fm G ang refrain. C, Caug, C6 at Caug ang chrous." sagot ni Daniel.
"Madali lang pala." wika ko naman.
"Alam ko rin ang lead nun!" muling pagbibida ni Daniel.
"Sige. ikaw mag rhythm. ikaw rin ang mag lead. back up rhythm ako pag mag sosolo ka na." wika ko sa kanya sabay dampot ng isa pang electric guitar.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...