6:20 AM - Shaw Blvd.
"Manong para po!" tawag ko sa driver para bumaba ng jeep.
Una akong pumasok ng 7-11 para bumili ng isang kahang yosi. Dumampot ako ng limang box ng trust condom sa counter at dedmang ibinigay ito sa kanya.
(Lima talaga?)
"Hehehe.. boy, yung yosi pinunch ko. Etong condom duda ako e." natatawang wika nung lalake sa counter.
Titig Sovereign Haki."Project po. I punch nyo na late na ako." pagsusuplado ko.
"Project? Talaga? Ano yun project totnak? Hahahahaha" pang gogood time sa akin nung kahero.
(Tanginang to.)
(Epal ang puta.)
"Lima ang binili ko oh? Magagamit ba ng sabay sabay yan?" palag ko.
"Stock baket?! hahahaha!!" tawa nya at nakita kong tumatawa na rin ang guard.
"Dali na. Sasampuin ko na. I punch mo lang." asar kong wika sabay dampot ng lima pa.
"Sige na. I pa-punch ko na. Hahaha.." natatawa pa ring wika nung kahero.
So ni punch na nya ang yosi ko at condoms at inilagay ito sa plastic.
"Salamat. Late na ako. Amf" suplado ko pa ring palag.
"Stock yan boy.. hehe hindi ka makakabili nyan sa ibang branch o sa mercury. Bawal ka pa. Hahahahaha.." natatawa paring wika nung durugistang kahero."Whatever." wika ko at padabog na naglakad palabas ng pinto ng 7-11.
Katabi lang nito ang Chowking at dito naman ako pumasok.
___________________________
Sa counter."Good morning! Welcome to Chowking" bati sa akin ng cashier.
![](https://img.wattpad.com/cover/15366596-288-k68a564.jpg)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Dla nastolatkówI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...