Part134: The Midweek Party.. Ends up Happy!!

949 12 4
                                    

Matapos ang magswitch ng ibang music ng DJ ay umalis na kami ng dance floor patungo sa spot nila Abby. Napansin kong malaki ang ngiti nito.

Ilang sagit lang ay nagsalita ito.

"Iba talaga ang tropahan nyo ano?" nasabi nya.

"Siyempre naman!" confident na wika ng chismoso.

"Uy Angel.. sorry kanina ha.." birit ni Marlon.


"Okay lang.." tugon naman nito.

Nakikipagpalitan lang si Marcus ng malalagkit at pasimpleng titigan kay Bells..

Nagsalita si Robert. Nakatingin siya sa isinayaw nya kanina.

"Hindi ko pa nga pala alam ang name mo." wika nya.

"Sam."

"Short for Samantha." matipid nitong tugon.

"Parang ako lang ang walang partner ah." parinig ni Edwin.

Nagsalita yung isa.

"Hindi ka naman kasi nagsasalita e. Yung Maverick at Carlo lang ang panay ang lapit sa amin." sagot na paramdam rin nung isa.

Mukhang nabuhayan ng loob ang drummer ng banda namin.

"Edwin." wika nya sabay abot ng kamay.


"Izza. Short for Clarissa." wika nito sabay tanggap ng kamay ni Edwin.

"Hindi kasi ako masyadong mahilig sa dance floor party.. mas ayos sakin ang mag jam. Pero ayos na rin kasi kasama ko sila." pagpapaliwanag nya.

"Ahh.. so metal ka talaga?" ask ni Izza.


"Oo.. lahat naman kami pwera si Carlo."

(at ako.)

(Colorum nga e.)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon