Part 23: Mission Impossible

2.1K 8 0
                                    

7:30 AM Saturday morning. Matapos ligpitin ang pinaghigaan, bumababa na ako para mag almusal.


Nakaka ilang subo pa lang ako ng Milo breakfast cereal ay tumunog ang phone sa sala. sinilip ko ang caller ID.


Number nila Kuya Brenan.


"Maverick here." sagot ko sa phone


"Mav, Kuya Brenan to. ngayon ang lubog mo di ba?"


"Oo kuya, punta ako ng Galleria ngayon, mga before lunch. sakto yun andun na sila."


"Wag kang papahalata ha. magiingat ka, enemy territory yan."


"May action plan na ako jan kuya. yakang yaka to." wika ko naman.


"Sige sige. basta pag dehado, tsa likod ka dumaan. nasa Mega lang kami. Sa Global." bilin nya.

"Sige kuya."


at nag hang up na kami.


Binuksan ko ang TV at nanuod habang nag aalmusal nang tumunog naman ang beeper ko.


"Send me a message pag paalis ka na. See yah there! Good morning! i love you - Margaux"


At yun na nga. nag ayos na ako ng isusuot.


nagsuot ako ng "Macarena" shorts, Blue na "Jurassic Park" printed T-Shirt

(Batang bata ang itsura.)

Pero bilang pambawi.. sinuot ko ang aking blue na Nike Diamond Turf.


hinayaan kong hati ang buhok ko. Sinuot ko ang salamin kong makapal ang lens, na sa school ko lang usually sinusuot.


sinilip ko ang itsura sa salamin.


(Ayos.. mukhang tanga na!)

(Pag nakita ako ni Margaux ng ganito. pagtatawanan ako nito.)


(Ayos na ring ganito akong aalis. madadala na lang ako ng damit na pang palit.)


Ipinasok ko ang isang "Break Down" na shirt at ang aking low-waist na baggy pants.. yung kadena kong accessory sa pants.. 


..yung tear gas.. isiningit ko sa gilid ng shoes ko.


at yung aking 4-finger na lead na asero, ( 4 finger holed Lead Knuckles) for emergency cases sa kabilang sapatos ko.


mahirap na.


at least may tear gas akong pang takas at may asero akong pansapak pag nagka gipitan.


tumawag ako sa operator at nag leave ako ng message kay Margaux.


"On my way. be careful paalis ha. ilove you.. - Maverick"

________________________

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon