Part 97: The Way We Jam!: Daniel's Solo

962 8 0
                                    

"Ang galing galing mo talaga.." tanging nasabi ko na lang. 

"Thank you Mav!" masiglang wika ni Kim at bumaba na ito sa platform. Muli nitong pinuno ang plastic cup ng Pop cola at uminom. 

Sinuri ko ang body language ni Kim. I'm sure na jamming session na ito e she found a new found confidence din, sa larangan ng pag awit na dati ay kaming dalawa lang ang may alam. 

Pumasok na sa loob ng studio ang nagbabantay nito. 

"Time na po." wika nya, hudyat na kami ay lalabas na at uuwi na. 

"Tara guys?" wika ko sa kanila. 

"Tara. Hoy Robert! tulungan mo akong damputin ang mga kalat!" wika ni Edwin. 

Sabay nilang dinampot ang bote ng pop cola at ilan pang basurang naiwan matapos kami kumain at itinapon ito sa basurahan malapit sa labas ng studio. 

________________ 

3:00 PM. Sa labas ng studio 

"Ano? sabay sabay na ba tayong uuwi?" ask ni Robert sa amin. 

Nagkatinginan kami ni Kim. 

"May lakad pa kami." wika ko.

"Mauuna na kami ni Mav." wika nya. 

Yung sabay na sabay ang pagkakasabi namin. 

(Yung kahit hindi namin alam kung ano ang susunod naming gagawin.. e parang pareho naming gustong mas matagal pang magkasama pa.) 

Napatingin silang lahat. 

(yung tingin na may dating.) 

(yung parang sinasabi nilang..) 

 

("alam na this..") 

Ayoko ng palakihin pa. Daglian akong lumapit kay Daniel at hinatak ko muna siya sa isang gilid. 

"Tol.. pauwiin mo sa sila Robert at Edwin. Ihatid mo si Cindy sa kanila." bilin ko sa kanya. 

"Ako lang mag isa tol?" ask nya na parang nag aalangan. 

"Tol, pagkakataon mo nang masolo si Cindy! Ituloy mo lang ang diga mo! kwentuhan mo along the way! dikitan mo! kelangan may follow up ang sinimulan natin kanina!" mahina pero matigas na wika ko sa kanya. 

"Sige.. subukan ko." wika nya na para bang inihahanda ang loob. 

"Tol! Don't falter now!" bulong ko sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

Kumalas na kami, at kita ko ang curious na tingin ni Edwin at Robert. 

______________________ 

"Uhm Robert, una na kayo ni Edwin." panimula ni Daniel. 

Hindi sumagot ang dalawang itlog. Nakangiti lang ang mga animal at lumakad na palayo. 

"Hindi ba tayo sasabay sa kanila?" ask ni Cindy 

"Ihahatid muna kita sa inyo. pwede ba?" wika ni Daniel. 

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon