Part 45: Back na!!

1.9K 8 0
                                    

Nang makalabas ako ng football field iginala ko ang mata ko sa paligid. Nakita ang isang member at pasimple kong hinatak sa isang gilid.

"Brod nagkakagulo sa backgate ngayon. Bilisan mo. Timbrehan mo ang team ni Bogart sa Kalentong gate. takbuhin mo na rin ang team ni Kuya Brenan sa gate 2." wika ko sa kanya.

"Sige sige!" wika naman nya.

"Bilisan mo. baka madehado ang mga nasa AT Reyes!" sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat nya.

Kahit kita ko na si Margaux sa BED Quadrangle, hindi muna ako lumapit sa kanya.

Mahirap na.

Baka may nakakita sa aking kalaban sa labas sa ganitong kasuotan.

balak kong tapusin ang concert!

Hindi dapat ako ma picturean ng kasama si Margaux.

lalagay din sa alanganin ang girlfriend ko pag nagkataon.

Dumirecho ako ng Gymnasium at kinuha ang extra kong red na t-shirt. Along the locker rooms din lang ang cr kaya nag ayos na din ako.

(Shet. wala akong pabango)

(Teka, may powder ako sa locker!)

So balik ako ng locker. Kinuha ko yung malaking baby powder.  Inalis ko ang gold na hikaw ko at kwintas.

Muli kong pinabagsak ang buhok ko.

Nagpowder ako ng konti sa mukha, leeg at likod.

(wala akong pabango e. nasa bahay)

(At least mag amoy malinis.)

(ayos na yun!)

Binalikan ko sa BED Quadrangle si Margaux. Malayo pa siya e kita ko na ang body language nya na mukhang kabado at nag aalala.

Lumapit ako sa at hinila ko siya ng bahagya palayo.

"Hey!" wika nya sabay palag ng kamay.

Hinarap ko siya.

"Love ko! its me!" sabi ko sa kanya.

"Maverick!" sabay yakap nya sa akin nung marealize nyang ako yun.

"Okay ka lang ba love ko?" ask ko sa kanya.

"I'm not!!! I was really.. REALLY worried about you!!! Akala ko nasaktan ka na!" matigas nyang wika.

"I'm perfectly fine.. wag mo na nga lang pansinin ang porma ko ha.. nasira ang japorms e." sabi ko sa kanya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon