7:15 PM - Maverick's crib
"Aba teka!" nasabi ko.
7:15 PM na, pero madilim ang bahay. Kita ko pang nakasabit at nakalock ang kandado ng main door namin.
"That's.. odd.. wala pa ata sina Mader?" wika ko sa sarili ko.
Patay tayo jan.
Wala si Mader.
Wala si Yaya.
Meaning?
Walang pagkain! E gutom na ako!
("Kakain mo lang with Kim sa Mcdo sa MarketPlace ah?") bulong ng epal kong konsensya.
("Bakit? Hindi ka ba gutom?") sagot ko sa boses sa isip ko.
Hindi ito nagsalita ngunit kumalam ang tiyan ko.
Ni unlock ko ang kandado at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Una kong sinilip ang kitchen at baka naman kahit kanin e may tira kaninang tanghalian.
("Jackpot!")
May tira pa nga naman.
Talo-talo na yan.
Kinapa ko ang bulsa ko..
Tangina.
12 pesos.
Bukas pa ang bigayan ng weekly allowance. Lunes pa.
Diskarte Mav.. Diskarte.
Ano ang kasya sa 12 pesos?
Saglit akong lumabas at tinungo ang pinakamalapit na tindahan.
____________________________________
"Ate! pabili nga po!" bungad ko sa pasilyo ng tindahan.
"Ano yon?"
(12 pesos..)
"Isa nga pong Lucky Me! Chicken atsaka isang itlog?" wika ko sa babae.
(Noodles.. 6 pesos. Itlog.. 4 pesos..)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...