Part136: Milo Power! Wala e. Legal na sa kanila.

677 9 0
                                    

6:15 AM - Sa harap ng gate ng mga De Lara.

Huminga ako ng malalim.


"Here goes nothing.." wika ko sa sarili ko bago ko inumang ang index finger ko sa doorbell nila Kim.

DING DONG!!

Ilang saglit lamang ay lumabas na si Kim.

..at kabuntot ang daddy nya.

Kita ko sa mukha ni Kim ang uneasiness.

Inayos ko ang pagmumukha ko at bumati.

"Good morning Kim! Good morning tito! panimula kong may plastic na ngiti.

"Good morning iho." matipid na wika ng daddy nya.


"Tito, ipagpapaalam ko po sana si Kim. Sabay sana kaming papasok. Maghihiwalay na lang kami sa Kalentong." straight kong paalam (na may kaba sa dibdib pero hindi ko pinapahalata)

Natawa ito, pero hindi ako sinagot.

"Dalaga ka na talaga Kimberly. May sumusundo na sa iyo. hehe.." tanging nasabi ng daddy nya.

"Daddy naman eh. Stop teasing!" singhal nya sa daddy nya.

Bumaling sa akin ang daddy ni Kim.

"Boy. Ingat kayo sa byahe. Ingatan mo ang anak ko huh." bilin nya.

(Naku sir..)

(Kung alam nyo lang kung paanong "ingat" ang gusto kong gawin sa anak nyo..)

("Ingatan" is an understatement.)

("iibigin" ko pa sana kamo.)

 

(kaso..)

(kaso.. hindi pwede..)

(hindi pwede..)

(sa ngayon..)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon