Part 86: Antipolo ODDventures! Change the World!

1.1K 8 0
                                    

"Oyeaaaaaaaahhh!!!"

SPLASH!!!

Whoah. Mataas pala ang slide. Ngayon ko lang narealize.

May kalayuan ito sa pwesto ng Jacuzzi at kung saan andun si Kikay at Brenda.

"Ang sarap! Tara Kikay! Brenda! Slide tayo!" tawag ko sa kanila.

"Mamaya na ako Maverick! Gagawin ko lang yung Pinacolada!" sigaw ni Brenda.

"Samahan ko lang si Brenda! Tulungan ko siya!" sigaw ni Bogart.

Hindi ko napigilang hindi ngumiti.

I know this bastard damn too well.

Mag dada moves ito kay Brenda ng pisimple.

Syota ng utol mo yan if you only knew! Gago!

(Wow.. look who's talking..) bulong ni konsensya.

(Baket naman?)

(E di ba parang utol mo na yang si Bogart?)

(Oo.. Anong connect?) ask ko sa sarili ko.

Hindi sumagot ang isip ko, pero iginalaw nya sa direction ni Vanessa ang mga mata ko.

(Tangina mo.. gago..) bulong ko sa sarili ko.

"Sige! Kikay! Tayo na lang!!" sigaw ko kay Vanessa.

Maepal na konsensyang hindi ko alam kung kalaban ko or kakampi. Nagsalita itong muli.

(say again?)

(Kikay? Tayo na lang?)

(pakyu!)

sagot naman ako sa tinig sa isipan ko..

(I mean kami na lang mag slide.)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon