Part 18: The Talks Behind the Secrets

2.3K 11 3
                                    

"Rrrriiiiiiiiiiiiiiiiinnngggg!!!!!!"


"Hello?" mabilis na sagot ni Kimberly


"Hey.. its Maverick." 


"Maaaaavvv! The people around me is asking if boyfriend daw kita? What did you tell them?" Nagpapanic ang boses ni Kim sa kabilang linya.


"Hey.. calm down. I didnt say a word.. Yan din ang tanong nila sa akin.."


"You were drinking with some of them! Kahit si Bernard tinatanong ako! tell me exactly what you told them! if Daddy finds out I'm dead!"


("Minsan, you have to display some power in front of a woman. Mav take control")

narinig ko ang boses ni Margaux sa isip ko.


"Kimberly! Hey! Will you please calm down a bit and listen?!" medyo matigas kong tono sa kanya.


natahimik siya. nasindak ata.


"Apparently, people saw us together and they made their speculations about this chismis na there's something going on between us. pero between you and I, alam mong wala di ba?"


"yeah.."


"So why worry?!"

tumahimik siya saglet. maya maya pa e nagsalita ito.


"I'm worried you told them about.. the kiss.."


(The kiss..)


(yung masarap na lips to lips with my ultimate crush..)


(No way.. the magic always lies in its secrecy..)

(I will.. never tell..)


"I told you. I'm not a kiss and tell guy. Hindi ko ikaga gwapo ang pagiging kiss and tell and I would lose your trust if I do!" matigas kong sabi sa kanya


Hindi siya sumagot. Mukhang duda pa rin sa sinabi ko.


"Kimberly.. I will never. EVER betray your trust.." calming na voice ang ginamit ko.


natahimik siya saglet. tapos nagsalita siya.


"Thank you.. sorry Maverick for doubting you.."


"It's alright Kim.. no worries.." pag papakalma ko sa kanya.

Instead na kumalma. Nagpanic na naman siya!

"No worries Mav? Paano kung makarating kay Daddy na nag skip ako ng class at kasama kita? gulo yun Maverick! I'll be grounded for life.." panic nya sa kabilang linya


"Ganito Kimberly.. I have a plan.." hirit ko.

"Ayan ka na naman e. Plan tapos ako ang maiipit?" sagot nya.


"Kelangan lang naman natin e.. pareho tayo ng statement. Para di mahalatang may tinatago."


"So... anu ang sasabihin natin pag may nagtanong..?" ask nya

"Hinatid lang kita hanggang Kalentong.. and"


"..and ipinara mo ako ng taxi and I went to school on my own. ganun?"

siya ang tumapos sa statement ko.


"Mismo."


"So papaano ko naman sasagutin ang tanong kung bakit tayo magkasama sa jeep?"


"Just tell them na pagkakataon lang." blanko kong sagot.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon