8:45 PM. Dumirecho na ako sa kwarto. matapos magpalit ng pang bahay na kasuotan ay nag yosi muna ako sa terrace.
(15 minutes pa..)
"Hi Maverick!"
si Kim. Sakto ang pagdaan nya.
"Hi Kim!" bati ko rin naman.
Ngumiti siya and nagpatuloy na sa paglalakad. malayo na siya ng biglang may bumati din sa akin.
"Hi Maverick!"
Si Robert naman. amf. ginaya ang paraan ng pagbati at tono ni Kim sa akin.
"Tangna mo! hahahaha!!" bati ko sa kanya habang nag fuck you sign ako sa kanya.
tawa lang si gago. nagpatuloy na rin sa paglalakad.
(masyado akong pansinin dito. baka lumabas si mader mahuhuli akong nagyoyosi..)
(wala ako sa mood makipag talo kay mader ngayon.)
tinapon ko na ang yosi ko at muling nagbalik sa kwarto.
Pagsapit ng 9:00 PM ni dial ko na ang phone number ni Margaux.
"Rrrriiinnngggg"
"Hello loverboy.." wika ni Margaux sa kabilang line.
"Hello love ko.." tugon ko naman.
"How's your day? missed me?" ask nya.
"Yeah.. typical na araw. ikaw? anjan pa mga tita mo?" ask ko naman.
"Yeah kaalis pa lang, as in minutes pa lamang... hmmm baket? gusto mo pumunta dito ano? hmmm?" malandi nyang wika.
"baket naman hindi di ba?" landi ko rin naman.
"Gago. late na. pag naalimpungatan mommy mo at wala ka madadale ka."
"Hahahaha.. kung sabagay.."
"Kumain ka na ba?" malambing nyang ask.
"Yeah kanina sa Jollibee. sinamahan ko yung utol ni Bogart mag grocery." sagot ko naman.
"Vanessa?" parang gulat nyang wika.
"Uu. makulit pala yung utol ni Bogart ano?" hirit ko naman.
biglang naiba ang tono ni Margaux.
"Wait! waaaiitt a minute..! are you trying to tell me na nakipagdate ka sa kapatid ni Bogart?! Kumain pa kayo sa Jollibee? ha?"
(hala!)
"Hey... its not a date. sinamahan ko lang siya mag grocery!" pagrarason ko.
"Aba?! at nag grocery pa kayo?! You called me to tell me all this?! Anung gusto mong mangyari Maverick? palitan na agad ako now that you got what you wanted?!"
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Ficção AdolescenteI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...