After school. 5PM. Pedro Gil St. Saint Paul Manila. Naka abang kami ni Bogart sa tapat ng gate, nagyoyosi.
"Ang tagal naman ng syota mo kuya." reklamo ko.
"Chill ka lang" sagot nya sakin.
After 15 minutes, may dalawang college students na kumakaway kay Bogart. Tumawid kami para ma meet ang mga bebot.
"Hi hon.." bati ng isang babae kay bogart, sabay halik sa labi nito.
"Hi Bogart!" bati ng kasama nitong babae.
"Hi Margaux.." sagot ni Bogart.
"Kapatid mo siya Bogart?" ask nung Margaux
"No.. tropa ko."
Nagpacute ako ng konte saka bumanat.
"Hi! I'm Maverick, better than your ex.. hotter than your next." sabay smile ng pa cute.
"Hi there little boy! Ang cute naman! I'm Margaux" inabot nya sa akin ang kamay nya.
Little boy daw. sarap konyatan. minamaliit ata ako nito e. sabagay, maliit talaga ako nung high school. laging nasa harapan ng pila.
pero siyempre, kinuha ko naman ang kamay nya. ang lambot! promise!
"Nice meeting you Margaux! I may be small, pero u know? some great things come in small packages.." sabay kindat.
hindi nya pinansin ang hirit ko, si Bogart ang kinausap nya.
"Bogart, bolero tong tropa mo ha. ilang taon na ito?"
"14!" mabibo kong sagot,
"gee.. bata pa nga.." wika nya
"baket? ilang taon ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"16. Freshman. College na ako noh!" natatawang sagot nya sa akin.
"Sus, 2 years lang pala e. not much difference.."
Tiningnan nya ako. medyo matagal, parang sinusukat ang pagkatao ko.
pero alam nyo, sa tancha ko, feeling ko may naiisip na masama sa akin to.
"Tara kain tayo sa Mcdo" yaya ni Bogart sa dalawang babae.
"Uu tapos treat ko si Margaux para double date di ba?" sabat ko na naman.
Natatawa sa akin si Margaux.
"hihih.. alam mo little boy, wag ka muna magmadali maging matanda. mag video games ka muna.."
"No I'm serious! treat kita!"
Natatawa pa rin siyang sumagot. "Ok Mr. Knight in shining armor. treat mo ako today" pumayag din siya.
Napansin ko ang babae pala e napipilit din, depende kung papaano mo idi deliver ang message.
So sa Mcdo.
Tamang kwentuhan ang magsyota, at napansin ko na hindi na a out of place si Margaux dahil sa pag uusap nila, siguro mga tatlo o apat na statement, babalikan ni Bogart si Margaux para magtanong ng open ended questions para magsalita si Margaux.
Napansin ko rin na ang mga topic na inoopen ni Bogart tungkol sa paghahandle ng relasyon, do's and don'ts, mga bagay na mahilig ang isang babae at hinihingi nya ang mga opinion namin.
Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Bogart. bargas yun. bakit pag babae ang kasama nya e pumipino ang ugali nya?
Dito ko natutunan na dapat pala, pag may kasama kang babae, hindi maiinterupt ang flow ng usapan. wala pala dapat sandaling tatahimik ang lahat at kung tatahimik lang, mag ice breaker siya ng joke, at babalik sa dating takbo ang usapan.
Tinitingnan ko si Margaux. maganda siya. chinita. Malaki ang hawig nya kay Rica Peralejo. Halata mong may lahing ewan ko kung japanese or chinese. matangkad, sa tancha ko e 5'6 ang height nung mga panahon na yun.
"pwedeee.." sa isip isip ko.
"Aw! nahulog! teka.."
Sinadya kong inihinulog ang tinidor ko. mula sa ilalim ng table, nasipat ko ang mapuputing legs ni Margaux. Sana e nakita ko rin ang panty nya, pero medyo mahaba ang skirt nya.
Pag angat ko e nakita ko si Bogart na nakatingin sakin. Ngiting aso at iiling-iling.
Nakita ko ang pagkakahawak nya sa noo nya. naka pasimpleng "fuck you" sign sa akin :D
6:30 PM. Naisipan ng magsyotang mag moment sa Paco Park. Siyempre, kabuntot kami ni Margaux.
"Well.. things we do for our friends.." sabi ko kay Margaux
"oo nga e.. well, we are stuck with each other for now." sagot naman nya.
Naupo kami sa ilalim ng isang puno. tinabihan ko siya.
"Ano nga pala real name mo ulet?" ask ko.
"Margaux nga." sagot nya.
"I mean.. full name pala."
"Verenice Margaux Tee Han Kee.." sagot naman nya.
"Naks.. name pa lang maganda na, pang seryosohan pa.." banat ko naman.
napatingin siya sa akin na nakataas ang kilay.. then inalis nya ang tingin nya .
"Alam mo ikaw na bata ka, may future ka." sabi nya sa akin.
"Future saan?"
"Ayos mga pick up mo e. siguro ang daming mong GF sa batch mo"
"Hindi pa nga ako nagkaka GF.."
Hindi siya nagsalita pero tiningnan nya ako. akala nya siguro may punchline na naman ako.
"ikaw? Ano full name mo?" ask nya.
"Jeproxz Maverick Esteban.."
"And sabi mo hindi ka pa nagkaka girlfriend?"
"Totoo yun. pinagtatawanan pa nga nila ako, parang ang corny ng dating"
"Hindi mo sila masisisi. bata pa rin sila and crush crush lang ang alam nila sa age nila"
"nagkaka syota sila." sagot ko naman
"Seryoso Margaux. Corny ba mga banat ko?" tanong ko sa kanya.
"Napangiti mo nga ako e. Hindi naman corny. Siguro sa kabatch mo corny, pero may dating naman sa akin.”
“May boyfriend ka na ba?” tanong ko sa kanya
“At baket? Mag aapply ka?” natatawa nyang sagot.
“May maasahan ba?” nakangiting ko namang tugon.
napangiti na naman at siya, umiling na ulo si Margaux.
“Aggressive ang dating mo Maverick.. tandaan mo, iba iba ang babae. Kelangan mo maintindihan na ang birit, hindi rin dapat pare-pareho. Kelangan mong matutunan ang ibat ibang approaches.”
“Ang galing naman Margaux! May natutunan ako dun ah”
Ngumiti lang siya.
“Sheeeetttt.. naiinlove na ata ako sayo Margaux..” sabi ko sa kanya.
“Seryoso ba yung statement na yan, or pumipick up ka na naman?”
“Depende kung ano ang dating sayo.” Sagot ko sa kanya.
“Sabi na eh. Pick up lang” Nakangiti nyang sagot at iiling iling ng ulo.
“Margaux..”
“Maverick?”
“Pwede ko bang makuha landline number mo?”
“At bakit mo naman ako tatawagan?” naniningkit lalo ang singkit nyang mata.
“Hindi ikaw tatagawan ko! Ang daddy mo. Yayain ko magyosi at mag bar.” Pilisopo kong sagot
“Daddy ko talaga ang sasagot.” pambabara nya sa akin
“wag na pala” mabilis ang sagot ko.
“Ang bilis mo naman mawalan ng loob! 832-xx-xx. 9PM ka tumawag, sigurado ako na ang sasagot”
“Thanks Margaux..”
“Thanks ka jan. may bayad..”
“Eh anu?”
“Mav naman.. siyempre hindi matatapos sa pag kuha ng number yan. Dapat, may promise na may next time! Like I te treat mo ako. Kelangan, may rason ka kung interesado kang makita siya ulet. Anu ba yan?”
“ganun ba yun?”
“hay naku. Bata ka pa nga Maverick..”
Umuwi na kami, hinatid namin ni Bogart ang syota nya at si Margaux sa mga bahay nila.
Paghiga ko sa kama ko, pinag iisipan ko ang mga style ni Bogart at mga words of wisdom ni Margaux..
“Bata ka pa nga siguro Maverick..” sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...