Monday na naman. alam kong naiintindihan nyo ako dahil marami tayong may Monday Sickness. Tinatamad ako pumasok. pero i have to.
Wala e. kelangan e.
Nauna na umalis sa akin si Mader. I'm sure nakasakay na ng jeep yun.
Papunta sa sakayan, may nakita akong pamilyar sa akin. Lumapit ako ng konti.
Amf.
Si Kimberly.
(May school service to ah. anung ginagawa nito sa sakayan?)
"Kim!" tawag ko sa kanya.
"Maverick!" sagot naman nya.
Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Hey, anung ginagawa mo dito? May service ka right?" ask ko sa kanya
"May sakit yung driver. E late na tumawag, nakaalis na si Daddy."
"Uhm.. alam mo ba mag byahe?" concerned kong tanong
"I know how to get there by car, pero hindi ako marunong mag byahe. paano na to? hindi na lang ako papasok?" sagot nya.
"Ikaw.. nasa sayo yan."
"At ikaw?! baka ma late ka. pasok ka na!" sabi nya sa akin.
Games of chances. Susubukan kong dumiga. wala namang mawawala.
Humirit ako:
"If you want.. uhm.. ihahatid na lang kita. I know how to get to your school ng commute lang." diga ko
"Really? How did you know?"
"Nag hahang out din naman ako sa Greenhills no?" sagot ko.
"ganun ba?"
(eto na:)
"Ganito gagawin natin. we take a jeepney ride, and pagdating sa Kalentong, taxi na lang tayo. wala naman kasing tricycle from Shaw to San Juan. if meron man mas mapapamahal pa." pagbibida ko
"Ok.. thank you! You're My hero!"
"You're welcome!" pagpapabida ko ulet.
Pinara ko ang jeep na dumating. Siyempre, Mr Knight-in-shining-armor ang peg ko, pinauna ko siya sumakay ng jeep.
..na puno rin ng estudyanteng taga neighborhood din na papasok na rin.
..na kilala siya at ang mga lalake ay crush din si Kimberly!
nakatingin ang mga lalake sa amin, at nagbubulungan ang mga babae.
(Si Kimberly yun ah.. e sino tong kasama nya? at naka jeep?)
(Pare.. may kasama si Kimberly o! Bosconian. Sino yan?)
Im sure naririnig nya. kinausap nya ako. pabulong
("Maverick.. baket sila nagbubulungan? tama ba itong nasakyan natin..?)
("Tama ito.. hindi lang siguro sila sanay na nagba byahe ka. just ignore them..)
("Naiilang ako e.. baba na tayo?)
("konting tiis lang Kim.. 5 minutes lang nasa babaan na tayo and papara na ako ng taxi..)
("Ok.. i'll trust you on this one..)
Pakinig ko pa ang bulungan ng mga echosera:
(Hala! tingnan mo! ni kiss ni Kim yung lalake!)
(Baka syota nya?)
(Swerte naman nung lalake)
(Tanga! Si Maverick yan, yung anak ng teacher!)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...