Part 115: Kaibigan? or Ka-Ibigan?

717 6 3
                                    

"What the fuck are you doing here? How did you get here in the first place?? E kung na rape ka dito? Delikadong lugar to!" naghahalong gulat at asar kong tugon sa boses na narinig ko.



"Sorry bes.. concerned lang ako.. wag mo na akong pagalitan.."



(Bes.)



(Yes. Kay Kimberly na tinig yun.)



Asar pa rin ako.


Moment ko magsolo to e.


Anong ginagawa nyan dito?



Hinawakan nya ako sa braso.


"Bes wag ka na magalit oh.. I just felt na you need company. Duda kasi ako sa itsura ng mga kasama mo na naghatid sa iyo.. Mukhang mga goons! tapos tulala kang naglalakad.. so sinundan kita." wika ni Kimberly.


Pumihit ako at hinarap ko siya.


"Ang nakaka asar kasi.. hindi ka nag iisip! Delikado kaya tong lugar na to? What if you are not so lucky at may humatak sa iyo? Ni rape ka sa lugar na ito? Wala kang palag dito!" asar ko pa rin wika.


"Alam ko naman kasing hindi mo ako pababayaan..  I was just two steps behind halos.. besides, I made it here without a scratch!" wika nya.



"Whatever.." tanging wika ko na lang.


"Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? Ang weirdo mo! Of all places.. sa cemetery pa?" ask nya.


"Secret hideout ko to. Talagang pumupunta ako dito minsan pag need ko ng peace and quiet.." tugon ko sa kanya.


"Ahh.." matipid nyang wika.


"Saan ka dumaan?" curious kong ask.


"Same daan kung saan ka dumaan." blanko nyang tugon.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon