Typical na araw. Pasok na naman.
Part ng curriculum namin e ang "Shop" kung tawagin. dito kami tinuturuan ng wood works, metal works, welding basta anything na nag rerequire na mag pukpok, mag pako, maglagare at gumamit ng machine.
Yung feeling dre na gusto ko mag yosi pero nasa campus grounds pa ako. Bawal siyempre, mapa "public warning" ako pag nahuli.
Tinawag ko ang isang tropang ka klase.
"Dela Rosa!" bati ko sa kanya. Ganyan kasi sa school namin. By the last name ang tawagan.
"Esteban! balita?" ask naman nya.
"Isoy tayo dre." (Yosi, baliktad lang para di obvious)
Lingon siya sa paligid nya.
"Dito sa shop dre? sitting ducks tayo nyan!"
"Shhhh.. quiet ka lang tolz.."
"Panu tayo mag iisoy?"
"Take turns tayo.. ako muna, mag welding ka jan."
"Ok.. may kapatid ba yang isoy mo?" ibig nyang sabihin e kung may extra pa ako.
"Tol, kasama tropa nya!" inilawit ko ng konti ang kaha ng yosi sa bulsa ko.
"Ayos yaaaann!! game!" at nag welding na siya habang ako e pasimpleng nag yoyosi.Hindi halata dahil mausok ang pag wewelding.
Nang matapos na ako e ako naman ang nag welding, at siya naman ang nagyosi. Hehehe.. bili kami ng coke sa canteen sabay toothbrush after hehehe.. lusot!_______________________
"KRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNGGGG!!
Bell na! uwian na.
Well.. hindi ko feel mag swimming ngayon. parang uulan. pumunta na lang ako sa Gymnasium at humiram ng soccer ball kapalit ang aking student diary. Yun ang pinaka access mo sa ammenities.
Student Diary. mawala na lahat, wag lang ito :D
Katabi lang nun ang locker room. Lagi naman ako may extrang damit at PE gear sa locker so nagpalit na ako ng pang PE gear at dumirecho sa football field.
matapos ng isang oras na paglalaro ng soccer naupo muna ako sa gutter and uminom ng tubig mula sa aking coleman. may napansin ako.
Si Bogart?May kasamang chix?
At hindi si Marie?
Overall na Sky blue uniform.(St. Anne Academy?)
(At sa loob ng campus?)
"Aba Tekaaa...!" nasabi ko habang lumakad ako palapit sa kinauupuan nila
"Kuya!" sigaw ko kay Bogart at napalingon silang dalawa.
"Tol! balita? nakausap ka na ba ni Kuya Brenan?"
"Oo.. may schedule na ako ng paglubog" (ibig ko sabihin e ang submersion ko sa galleria para mang spy)
"Tol, kapatid ko, si Ness."
"Hi! I'm Vanessa" inabot ng bebot ang kamay nya.
"Hello.. Maverick po." hinawakan ko naman ang palad nya at ni shake ng marahan.. pero hindi ko agad binitawan.
(Tang ina. May kapatid pala si Bogart?)
(Hmmm.. maganda siya! Ala batang version ni Lindsay Custodio naman tong isang to. hindi katulad ni Bogart na mukhang bakulaw.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Novela JuvenilI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...