Part 12: Lusot!

2.3K 14 0
                                    

Malayo pa rin e bumababa na ako ng taxi. Ginusot ko ng bahagya ang polo ko. Siyempre pa effect na kunwari pumasok, bumababa ako sa lugar na 15 minutes walk pa ang layo. (para pawisan ng konti at galing ako sa aircon ng taxi.)

On the way pauwi nasalubong ko ang ilang members ng gang.

"Maverick, tawag ka ni Kuya Brenan. punta ka raw sa bahay nila ngayon." sabi ni Mark.

"Sige, punta na ako."

(nasabi ko na sa part 1 na ako ang intel ng gang di ba? mag spy at mag gather ng information ang forte ko)

Pagdating ko sa village, sumilip muna ako sa hide out. walang tao so dumirecho na ako sa bahay nila Kuya Brenan na nasa same village din. Nakita ko na agad siyang naglilinis ng kotse nya.

"Kuya Brenan." bati ko sa kanya pagpasok ko ng garage nya.

"Maverick. buti at nasabi nila sa iyo na tawag kita."

"Oo nga po e. anu ba maipaglilingkod ko?" sabay sindi ng yosi.

"I heard na may balak umattend ang mga kalabang school sa concert. gusto kong mag gather ka ng information as to what time sila pupunta. haharangin natin sila." wika nya.

May rival gang kasi kami sa kabilang school. Mga exclusive for boys din, at ang tambayan nila e sa Robinson's Galleria.

"Ok kuya. lulubog ako sa Galle (Robinson's Galleria) sa mga susunod na araw. Tawagan na lang kita."

"Sige sige." at umalis na nga ako pauwi.

Maaga akong nakarating sa bahay. Natural. Hindi ako pumasok e. kung sa typical na araw e 8:00 PM na ako nakakauwi, ngayon, 6:00 PM pa lang nasa bahay na ako.

nauna ako umuwi kay Mader. matatanong ako nito..

hindi ko muna aalisin ang uniform ko.

At yun na nga. 6:30 PM dinatnan ako ni Mader, naka uniform pa at naglalaro na ng family computer.

"Pumasok ka ba?" tanong nya.

"Uu naman." sagot ko naman.

"Ang aga mo ata ngayon?"

"Cancelled ang practice ng soccer. ayoko naman mag swimming at nabasa ko na lahat ng books sa library. wala na akong gagawin."

"Ganun ba? kumain ka na?"

"opo." matipid kong sagot.

Umalis na siya ng kwarto at dumirecho na rin sa kwarto nya para manuod ng tv at magpahinga.

(Ayos.. lusot!)

(Si Kimberly kaya? napagalitan kaya?)

(Tatawag ba ako o mamaya na?)

(Mamaya na, baka lalong mahalata..)

So ayun, pinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ko ng Megaman 7. Makalipas ang dalawang oras, napatingin ako sa wall clock.

(9:15 PM na pala..)

Ganitong oras, dapat e mag start na kami pag usap ni Margaux. Alam mo yung kahit hindi kayo magtelebabad, basta marinig ko na ang boses nya at magkakumustahan lang e ayos na?

(wala siya ngayon..)

(Yung feeling na sana e kausap ko siya?)

(Siguro.. ito yung tinatawag nilang "na mimiss" ang sa isang tao.)

(So.. namimiss ko na Margaux?)

(Siguro nga..)

"Teka.. Si Kimberly!" nasabi ko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon