Part 40: Foundation Day!!

1.8K 7 0
                                    

January 31, 1996. - Foundation day.

"talaga bang kelangan e naka uniform?!" reklamo ko sa salamin habang nag aayos ng sarili.

Ano ba yan?

Hay naku. ang daming kabaklaang gusto ng school.

6:30 AM. bago umalis ng bahay ay nag iwan muna ako ng message sa beeper ni Margaux.

"On my way to school. I'll pick you up after school. so sleepy pa.. good morning! i love you! - Maverick"

walang 5 minutes, tumunog ang beeper ko:

"Take care on your way. Pick me up 5:00 PM onwards. i love you too.. - Margaux"

Oh well.. manadatory to e. 

makapunta na nga ng school..

__________________________

8:13 AM

Matapos misa.. andami pang seremonyas! Bigayan pa ng Loyalty award!

(pakialam ko ba sa 15 at 20 years of service?)

(inaantok pa ako!)

(uuwi na ulet ako!)

Tumakas ako sa pila ng section namin. nagpaalam ako sa adviser na mag ccr lang..

(pero wala na akong balak bumalik!)

Paglabas ng gate ay napansin ko ang ilang members ng gang na parating. 

may dalang mga sako.

Nakilala ko ang isa sa kanila.

"Si Balong yun ah."

Alam ko na to. naglalagay ng mga weapons to sa mga strategic locations na napag usapan sa assembly.

Nag iba ako ng daan. Pag nakita ako I'm sure papatulungin ako nung mga yun maglagay.

(Wala akong panahon sa inyo ngayon..)

(Inaantok pa ako..)

Nagmadali akong makasakay ng jeep at saglit rin lang ay agad akong naka uwi.

(Sayang sa effort at pamasahe.. taena naman kasi e..)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon