7:35 PM - 5 minutes after namin mag usap ni Bernard.
(Lalasunin mo mommy mo para makatakas?!) bira sa akin ni konsensya.
("Patutulugin ko lang.. umiinom naman talaga siya nito. paaagahin ko lang ang tulog nya.") sagot ko sa isip ko.Hindi na sumagot ang boses sa isip ko.
"Anaaak! Kain na tayo!" pakinig kong wika ni Mader mula sa baba.
"Opo!" sagot ko rin naman.
Isinimple ko ang sleeping pill sa bulsa ko. Palabas pa lang ako ng pinto ay nag vibrate muli ang beeper ko.
Binasa ko ang message:
"It's okay. Have fun! But please. Try to call me before you leave. Naka abang lang ako sa phone. If by 2 rings at hindi ako ang sumagot, drop the call and just beep me. Take care sa labas and I hope this is not a gangster stuff. I love you Maverick! - Margaux"
Between going to the party and talking with my girlfriend, mas pipiliin kong makausap na lang siya.
Relax pa ako di ba? Pahiga-higa lang.
Pero hindi ito ang inihahain ng panahon. Yung feeling dre na para bang nakasulat na ang bawat mangyayari sa buhay ko, bago pa sumapit ito?Fine with me.
50 pesos, makakahang out pa ako with friends. Maaga pa naman and I'm sure I can be back by 1 AM.(Kahit nga hindi na ako matulog e..)
(Pero hindi pwedeng patanga-tanga ako pag nasa school ako.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Novela JuvenilI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...