Part 62: Knowing Margaux's Mentor

1.7K 6 0
                                    

Matapos magbihis ay dumaan muna ako sa CR.

"Margaux?" wika ko sa harap ng pinto.

"Love ko?" sagot nya.

"Eto na ang towel.." wika ko ulet.

"Thanks love ko.." wika nya sabay bukas ng konti sa pinto para maibigay ko ang towel.

tumambay na muna ako sa sala. Andun na rin si Bogart na nanunood ng TV.

"Yun. tapos ka na pala mag ayos. Next na ako!" paunang bati nya sa akin.

"Andun pa si Margaux." sagot ko naman.

"Nagsabay kayo?"

"Oo kuya." matipid kong sagot.

iling lang siya ng ulo ng nakangiti.

"Alam na." wika nya sabay puff ng yosi.

"Gusto mo rin ba?"

boses babae. 

"Hi Hon.." wika ni Bogart.

Lumapit si Marie kay Bogart sabay kalong sa lap nya.

"Malinis na ulit ang kitchen. Sabay rin tayo mag shower" wika ni Marie.

"Akala mo huh? meron din ako!" pag aangas sa akin ni Kuya.

muli kong pasimpleng  sinipat ang mukha at katawan ni Marie.

(Wala talagang lugi. wala kang itatapon..)

"Swerte ka rin naman kay Marie.. Maganda na mabait pa.. mahinhin pa.." banat ko naman.

Natawa silang dalawa sa banat ko.

"Mahinhin? Sus! Boses lang! Hon.. nakakapeke ka pa rin pala!" bulaslas ni Bogart.

"Nakakainis ka.. let Maverick think about me that way na lang.." mahinhin nyang wika.

Naisip ko na baka nga tama ang impression ko sa kanya.

(Yung finesse at softspoken tingnan from the outside..)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon