Part 113: HELLWEEK: TUESDAY - The Payback!

633 4 0
                                    

4:00 PM - Uwian na.


KKKKKKKRRRRRIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGG!!


(It's time..)


(Oras na para tantanan ako ng mga to..)


(Oras na para ibalik ko ang dignity kong niyurakan nila..)


Mabilis kong niligpit ang gamit ko at tinungo ang classroom ni Bogart sa 2nd floor ng BED Building.


Pagdating doon ay nagaabang na rin si Bogart.


"Tara bunso. Naghihintay si Mark sa labas." wika nya.


"Tara." matipid kong wika at naglakad na kami palabas Campus.



Sa AT Reyes kami lumabas.



"Bakit dito kuya? di ba sa JRC natin aabangan yung kuya ni kupal?" ask ko kay Bogart.


Natawa siya.


"Diversion Maverick. Para pag nagkandaleche-leche na, malinis tayo." wika nyang natatawa.


ilang saglit pa ay tinigilan kami ng tricycle.



Si Mark ang may dala nito.


"MI. pasok na. Hatid ko na kayo sa site." wika ni Mark.


(MI. Master Initiator.)


(Si Bogart yun.)



"Salamat brod. Tara Maverick!" excited na wika ni Bogart.


Bago pa kami makaalis ay may narinig kaming tinig.



"Ay saglet! Sama ako!!" sigaw ng boses.



Si Dimaandal.


"Sa likod ka na pre." wika ni Mark kay Dimaandal na mabilis namang sumakay sa likod nya.


Humarurot na ang trike ni Mark.. patungo sa Shaw Boulevard..

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon