4:30 PM - Medyo tipsy na kami.
"Tara, pakalma na tayo ng amatz!" wika ko sa kanila.
"What do you have in mind love ko?" wika ni Margaux habang ngumangatngat ng liempo.
"Slide tayo! sabay sabay parang train!" propose ko sa kanila.
"Sounds like fun!!" excited na wika ni Margaux.
"Mga banat nitong si bunso puro pambata ah!" hirit ni Bogart.
"I think.. its cool. ganun din naman babalik din naman tayo sa pool para bumababa ang amats. di masaya mag byahe ng tipsy you know.." mahinhing agree ni Marie.
"Ayos lang sa akin. parang masaya nga." wika ni Brenda matapos i bottoms up ang natitira nyang pinacolada sa glass.
"Baket pag si Maverick ang nag sa suggest okay kayong lahat?!" nagkakamot na reklamo ni Bogart.
"Hahahahaha!!" tawa ng butangera.
"Cool naman kasi hon.. tara?" wika ni Marie sa syota sabay baling sa akin.
muli kaming nagkatinginan ni Marie..
and again..
..tingin pa lang nya na ay na mesmerize ako.
umiwas ako ng tingin at binalingan si Margaux.
"Let's go?" ask ko sa kanya.
Tumayo ang girlfriend ko.
"Let's make this happen!" excited nyang wika.
So ayun na nga, tumayo kaming lahat at nilisan ang jacuzzi at naglakad patungo sa mataas na slide.
_______________
"Haaaa?! Bakit ako ang nasa unahan?! Si Mav na lang! idea nya yan!" reklamo ni Bogart.
"Ikaw na. ikaw ang pinakamalaki dito. Kaya mo kaming saluhin." natatawa kong sagot.
"tangina mo kasi ang dami mong alam!" reklamo pa rin nya.
(yung automatic na tampal ni Marie sa bibig ng syota. hahahahaha!!)
"Ako pinakamaliit! ako sa pinaka likod!" wika ni Ness.
"Let's make it happen! Exciting!!" halos pasigaw na wika ni Margaux.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...