Part 99: Make a Move Daniel. Make a Move..

982 6 0
                                    

5:35 PM.

5 minutes na akong naglalakad ng wala sa sarili.

("A chance for you and me..")

Yan ang sabi ni Kim kanina.

Mahina..

pabulong..

Parang may laman.

Walang lalakeng hindi maiinlove kay Kim. Isang babaeng biniyayaan ng mataas na uri ng kagandahang physical.. ugaling pino at multi-talented.

Pang artista talaga..

Ina-analyze ko ang sitwasyon.. pwede kong i take advantage ang ganitong closeness namin.. kaya kong dumiga..

Pero si Kimberly yun.

Ang crush ng bayan.

Bakit kaya minsan, nauuna ang title kesa sa pangalan mismo ng tao. Nauuna ang title nyang crush ng bayan..

Kaya siguro walang lumalapit at naglalakas ng loob na dumiga sa kanya from the neigborhood.

Kaya siguro mga taga ibang lugar ang nagiging syota nya.

Dun sa lugar na common person siya without the title.

Para din pala siyang ako.. pero sa mas magandang paraan.

Sa school branded na akong badboy.. iskwater. ugaling kanto.

(..at feelingero..)

"Pangarap ko'y makita kang.. naglalakad sa buwan..."

Nakaranig ako ng awit. 

Natauhan ako. Kilala ko ang boses.

"Bernard." tugon ko naman. 

"Saan punta mo?" ask nya. 

"Pauwi na sa amin. Baket?" counter question ko. 

"Kelan pa naging jan ang papunta sa inyo? Lumipat ba kayo ng bahay?" nakaka asar nyang sagot. 

(Amf..) 

(Wrong way..) 

"Tulalang naglalakad sa buwan. Parang tanga." dagdag pa nya. 

"Pakialam mo ba? ikaw ba saan ka pupunta?" ask ko sa kanya. 

"Ako ang pauwi na, at jan sa pinanggalingan mo ang punta ko." sagot naman nya. 

"Sabi ko nga e." 

"Tekaa.. galing ka na naman ba kina ate? napapadalas ata Mav? hmmm?" inquisitive nyang tanong. 

(Magkasama kami buong afternoon.) 

(gago..) 

"Sos, kasama ko ate mo kanina. nagjam kami nila Edwin Marcus Daniel at Robert." wika ko sa kanya. 

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon