Part 6: The Date at SM MegaMall

2.8K 16 6
                                    

10:40 AM pa lang nasa building B na ako ng SM Megamall. Nakita ko na si kuya Bogart. Wala pa ang mga chix so nag yosi muna kami.

"Hanep. talagang effort ka kay Margaux ah." sabi sakin ni Bogart.


"Hindi naman kuya. maganda siya. tanga lang siguro ang aayaw sa kanya."


"Crush mo ano?"


"Ayos lang."


"Galingang mo pre. ako nag sasabi sa iyo. galingan mo. mahirap kausap yan."


"Ok kuya. malalaman ha."


Dumating na ang mga chix. Naka maiksing shorts at tank tops si Marie, while na blue floral dress si Margaux.


Sinalubong namin sila. Agad dumampi ng halik si Marie kay Bogart.

"Hi hon.." sabay smack sa lips.


"Hi love ko.." bati sa akin ni Margaux sinundan ito ng isang sweet sa kiss sa lips.


sinagot ko ang halik nya, sabay ngiti. nag holding hands kami at humarap kay Marie at kay Bogart.


Blanko ang mukha ni Bogart. may 3 seconds syang nakatingin sa amin. hindi makapaniwala sa nakita.


"puuu..tang.. ina.. seryoso ba yung nakita ko?" hindi makapaniwalang wika ni Bogart.

"Honey, language please." sita ni Marie sa syota.


(hehe, lumabas ang bargas na Bogart na kilala ko.)

(nawalan ng composure sa harap ng mga babae)

(Boom Vaness ka ngayon!)


"Tangina, papanong nangyaring..?" pahabol ni Bogart.


nakangiti lang kami, ni sway ni Margaux ang pagkaka holding hands namin.


"Tangina mo Maverick ka, kaya pala kalma ka lang hayup ka, syota mo na pala?!"


pabirong tinampal ni Marie ang labi ng syota.


"Ang bibig mo hon ha. tagalog na para maintindihan mo."


"Kaya pala hiningi ni Margaux number mo? Wag mong sabihing ikaw pa niligawan ni Margaux?"


iimik sana ako pero pinisil ni Margaux ang kamay ko. siya ang nagsalita.


"Actually, siya ang tumawag. hindi mo naman sinabi na cool pala tong friend mo. we jive so bakit naman namin patatagalin pa di ba?"


"yeah, sorry kuya di ko nasabi agad" sabat ko naman.


"Ulul mo, talagang nasa plano mong gulatin mo ako. pero seryoso ha. congrats to both of you!" wika ni Bogart.


"Congratulations Maverick, Margaux.." wika ni Marie.


"Thanks sis." sagot ni Margaux.


"Pakyu." sabi sa akin ni Bogart sa inapiran ako.


"Kain muna tayo!" yaya ni Bogart sa amin.


Nauna kami maglakad kay Marie at Bogart.

Pabulong akong kinausap ni Margaux

"Love ko.. look mo nakatingin sila.." wika ni Margaux.

"Oo nga ano?" sagot ko naman.

"Ayusin mo holding hands natin. yung pinky finger mo ang ihold mo sa pinky finger ko."

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon