Part 111: HELLWEEK: TUESDAY! - A Blasphemer..

695 6 2
                                    

Tuesday Morning - Don Bosco BED Quadrangle


Kasalukuyan kaming nakikinig ng "good morning talk" matapos ang flag ceremony.


Nakapila kami sa Quadrangle habang bored na bored nakikinig sa mga patutsada ng kung sinong teacher ang didiscuss kung paano "raw' dapat ang pamumuhay ng isang mabuting kristiano, ayon sa pagkakaintindi nya sa "morning prayer" na araw araw naming gawain bago simulan ang araw.



Nasa harapan ng pila ko ang kaklase kong sinampal ko ng student handbook kahapon. For some reason.. hindi ata ako pinapansin or inaangasan nito ngayon.



(Baka nabigyan ng tip nung tropa nyang kinausap ko kahapon bago ang mga nakakabwisit na eksena namin ni Mader..)



(Mali ang binangga nyo..)


(Gising na ang "greywolf" sa puso ko..)


(..at supported ako ng 'Kuya' ko..)



(Kung babagsak ako?)


(Isasama ko kayo.)



(Pangako.)



At dahil nasa point of vantage ako.. hindi ako nagsayang ng panahon.


Saglit akong umupo ako kumuha ng karayom sa kit kong ginagamit ko sa aking boy scout activities..


Ibinaon ko ng malalim ang dulo nitong hindi matalim sa unahan ng sneakers ko.


Ang matalim na tip na lang ng karayom ang nakalabas sa dulo ng sapatos ko.



Pasimple akong bumwelo.. at binigyan ng pasimple pero mabilis na sipa si Rosales likod ng kanyang binti..



..at tumusok ang karayom sa kanya!



"AAAAAHHHH!" sigaw nya at reflexively, napasipa din siya.. at tinamaan ang kaklase kong nasa harapan nyan.


Tumama ang sipa nya sa puwit ng kaklase namin at reflexively, nasuntok nya si Rosales!

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon