Part 5: The morning after.

2.7K 13 1
                                    

Saturday morning. 7AM. Natutulog pa ako ng mahimbing ng magising ako sa ring ng extension phone ko.


"Riiiinnnnngggggggg!"


"Ang aga pa ah.. sino na naman to.." aantok antok kong dinampot ang handset.

"Maverick here..."


"Good morning love ko!" malambing na wika ni Margaux.


"Margaux.. ang aga pa ah.. late na tayo nag sleep kagabi..." reklamo ko


"Eto naman.. suplado! hmmft kainis ka! bye na nga!"

Binagsak ni Margaux ang phone.


Bobo. nakalimutan ko.


Girlfriend ko na nga pala si Margaux. naturally, tinawagan ko ulet siya.

"Hello.." wika ng babae sa kabilang line. Im sure is Margaux yun.

"Love ko, sorry na.. good morning!"


"Hmmmft. Who am i para magreklamo? GF lang naman ako, nakakahiya naman sa yo! naistorbo ko pa tulog mo." inis na wika ni Margaux.

"nag sosorry na nga e.."

"Maverick, may GF ka na. tandaan mo, hindi na ikaw lang iisipin mo from now on. Ang may GF. dapat may time sa GF."

"Sorry... first time jitters lang siguro.." nahihiya kong sabi.


"Fine. Apology accepted. So what's our plan for today?"


Ang plano sana e magswimming ako after lunch pero mukhang mababago ang schedule ko.


(Ang may GF. dapat may time sa GF. yun ang sabi nya kanina.)


"uhm.. nood tayo ng movie?" yun ang unang pumasok sa isip ko dahil alam ko na usually ang mag syota e nanunuod ng sine.


"Sounds good!" excited nyang sabi.


"Ok. its a date then. san tayo mag kikita?"


"Before lunch, 11 AM sa SM Megamall. Sa Pizza hut entrance. Building B" detalyado ang sagot nya.
"uu alam ko yun."

"Double date ang naiisip ko. gusto kong i-invite si Marie at si Bogart"  wika nya.


"I'm fine with that.."


"Ok then. eat well love ko.. shower na ako and please.. dont be late" malambing na wika ni Margaux


"geh na. bye. i love you.." wika ko naman.


"abaaaa.. improving ka little boy ah! sige na. i love you too.."


little boy mo mukha mo. batuhin kita ng baso jan e. 


Nag hang up na kami.


Ngayon ko lang nalaman. Ang sarap palang pakinggan ng "i love you too.."


Yung feeling na ang sarap sa pakiramdam. napapangiti ako naiiling na lang ako.


Kilig ata ang tawag dito.


whatever.

8 AM. Nag bre breakfast na ako. nakakailang subo pa lang ako ng breakfast cereal e tumunog na naman ang phone.


"Maverick here."


"Tol. nagyaya manuod ng sine ang syota ko. sasama daw si Margaux. trip mo sumama?" boses ni Bogart sa kabilang line.


So.. hindi pala sinabi ni Margaux kay Marie na mag on na kami.


Hindi ko alam ang mararamdaman ko.


maooffend ba ako?


 malulungkot?


maiinis?


ewan.

"Uhm.. ok kuya. sama ako."


"11 AM pre ha. boy, type mo ba si Margaux?" ask ni Bogart sa akin


"Maganda siya. baket hindi." sagot ko.


"Tol, chance mo na yan. diskartehan mo na!"


You have no idea. sabi ko sa sarili ko.


"Sige sige, nakita ko naman ang mga moves mo e. gayahin ko na lang."


"Ingat ka jan kay Margaux ha. Mahirap kausap yang isang yan. Pag hindi mo ginalingan, paiikutin ka nyan."


"Anu ibig mong sabihin?"

"Wala! mag ayos ka na. in 2 hours ha"


"Ok kuya."


nag hang up na siya.

Matapos ako maligo e nakita ako ni ermatz na nag aayos at nagbibihis.


"Anak saan ka pupunta?" ask ng mommy ko.


"SM Megamall ma, mag aarcade ako sa Global"


"sino kasama mo?"


"Sina kuya Bogart. papalamig lang."

"What time ka uuwi?" medyo duderang tanong ng aking ermatz


"Matic na yan ma. before 8PM po."


"Good. may pera ka ba?"


"May savings po ako. gamitin ko muna."


Ganyan ako. hindi ko hinihingi sa magulang ko ang pangbisyo ko. though galing sa kanila ang baon ko, sarili ko naman ang tinipid ko para maipon ko ang pera ko.

fair enough di ba?


"Anak ha. iiwas ka sa masasamang impluwesya. wag kang iinom ng alak at masisigarilyo.."

wala na akong naintindihan sa sinasabi ni mader. puro "blah blah blah.." na lang ang naririnig ko.

"Ok po ma, sige po aalis na ako."

"Ingat anak."


Umalis na ako ng bahay.


Sus.. manunuod ng sine.


Ano naman ang exciting dun? tanong ko sa sarili ko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon