Part38: A typical student's everyday..

1.9K 7 0
                                    

6:15 AM. Bihis na ako at nag aabang na ako ng jeep sa kanto papasok ng school.

"Maverick!" sigaw ng lalakeng kilala ko ang boses.

May palapit na epal.

 

(Ikaw na naman?!)

 

 

"Tolz.. balita?" ask ko.

Si Carlong chismoso.

 

"hehehe.. ikaw ang anung balita." sabi ni Carlo.

 

"About sa kagabi? sa bahay nila Kim?"

"Oo!" excited na wika.

 

"Wala. nag drawing lang ako. nag soundtrip lang kami.." blanko kong sagot.

 

"hehehe.. Mav.. may nakita ako! hahahahaha!! tawa nito na may paghampas pa sa balikat ko.

 

 

 

 

(tanginang to?!)

 

(hindi talaga ako titigilan ng animal na to ah..)

 

(Seryosohin ko na kaya?)

 

(Batuhin ko na ng baso?)

 

 

 

Pero siyempre.. tropa pa rin to.

 

"Ano na naman ang nakita mo?" blanko kong tanong.

 

"Lahat Maverick! Lahat! hahahahahahahaah!!!" parang nanalo sa lotto ang tawa ng animal na to.

 

(lahat?!)

 

(Aba teka?!)

 

"Wala kang nakita. pauso ka lang." sabi ko sa kanya.

 

"Ayiieeee.. pakanta kanta pa kayo.. Sino siya? Si Princess Jasmine at ikaw si Aladdin? hahahahah!!" panimula nya.

 

 

 

(may nakita nga ang animal.)

 

 

 Hindi pa ito nakuntento. kumanta pa ito.

 

"..I know what these are symptoms of.. we could be in love.. bwahahahahaha!!" kanta nito sabay palo na naman sa balikat ko.

 

"Walang masama dun.. soundtrip e." dedma kong sagot.

 

"At eto pa.." hirit nya pa.

 

"Meron pa? iba ka talaga tol, pwede kang paparazzi.." sabi ko sa kanya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon