APSA Office.
Short for Assistant Princial for Student Affairs.
(pero para sa akin.)
(interrogation room ito.)
(Ang Guidance Counselor ang Prosecutor.)
(At ako ang kriminal na nasa inquisition.)
"He's here.. Thank you.." wika ng Assistant Principal sa telepono at ibaba nya na ito.
Pumasok na ako sa interrogation room.
"Maverick.. it been brought to my attention na hindi ka raw nakikinig sa lessons sa Math. tulala ka lang daw. May problema ka ba?" wika ng Assistant Principal.
"Puyat lang po ako. Napuyat lang ako sa video games last night. Sorry po." wika ko.
(Yun na lang ang sinabi ko para matapos ang usapan.)
(Wala akong tiwala kanino man sa mga oras na ito.)
"Sinilip ko ang grades for this school year and magaganda lahat except sa Math.."
"ganun po ba?" uninterested kong sagot.
"The way i see it, hindi naman sa mahina ang pick up mo sa Math.. hindi ka lang interesado." wika nito.
(Totoo yun.)
(hindi ko kailangan ang cosine, tangent, logarithm at trigonometry pag bibili ako ng fishball.)
(at walang pakialam ang nagtitinda kung naka incline ng 45 degrees ang kawali nya or kung 100 degrees or more ang ang kelangan nya para reach ang boiling point ng mantika.)
(Hindi naman kelangan ng differential calculus pag bibilangin ko ang sukli ko sa jeep...)
(wala naman akong pakialam kung naka absolute zero sa Kelvin scale ang yelo ng softdrinks ko..)
(basic operations. Addition, Subtraction, Multiplication at Division.)
(yun lang ang kelangan ko para hindi matawag na tanga sa Math ng totoong buhay.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Genç KurguI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...