9:30 AM - Sa Kitchen nila Ness
Para kaming mga batang naglalaro ng bahay bahayan. Halos gumulo na ang kitchen nila sa dami ng mga cooking wares, ingredients at utensils na nagkalat.
"French toast lang gagawin natin Ness! Hindi tayo magkakatay ng dragon!" singhal ko sa kanya.
"E marami kasi tayong lulutuin! Boring pag plain french toast lang! tapos magpriprito pa tayo ng bacon! e yung pesto pa?!" singhal din nya.
Dinapot ko ang isang non stick frying pan.
"Eto lang e sapat na e." blanko kong tugon.
"Ayoko! Maghahalo halo ang lasa kung isa lang ang gagamitin natin!" pagrarason nya.
"Hays. Whatever kikay.." kibit balikat ko.
"Whatever mo mukha mong payatot ka." singhal nya.
"..ay!"
"dalaga na pala ako. hihihi.. hindi na dapat ganun."
"sorry Maverick.." wika nya.
Nakakabwisit.
Kasalukuyan kong hawak ang itlog na babatihin ko sana para gumawa ng marinade ng french toast.
Iniangat ko ang kamay ko para batuhin ng itlog si Ness, pero siyempre joke lang yun.
Akmang iiwas ang kikay.
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...