Part 21: A Day With Kikay.. Concluded

2.1K 10 3
                                    

Matapos mamili ay kumain muna kami sa Jollibee. Ako e bata pa lamang e laitero na talaga, particular ako lalo sa kung paano kumain ang tao.

Nakatingin ako kay Vanessa at inoobserbahan ang table manners nya.


Finesse naman pala kumain tong babaeng to.


(Bibig lang talaga nya ang walang preno.)


"Ang cute mo naman kumain.. tipid na tipid ang bawat subo ah." puna ko sa kanya.


"Wag mo nga ako pakialamanan! kumain ka jan." sagot naman nya.


"Hehe.. wala napansin ko lang.." natatawa kong sabi.


Sumubo ako ng fries.


"Alam mo, babaeng babae ang physical features mo." bola ko sa kanya.


nagblush naman siya. nag pasimpleng hawi ng buhok sa tenga.


"Wag ka lang magsasalita. hahahah!" pang aasar ko.


"Kainis ka! kala ko pa naman ok na. hahaha!!" tawa naman ang kikay na ni Vanessa.


So yun, tuloy lang kami ng kain.. maya maya, biglang nagseryoso ng tono si kikay.


"Maverick.. gaano kayo ka close ni Kuya?"

(anong klaseng tanong yan?)

(weirdo amf..)


"Sapat lang. parang magkapatid na rin halos."


"So kung ganun parang tatlo na pala tayong magkakapatid. ganun ba yun?"


"maybe. you can put it that way kung gusto mo.."


"Mapagkakatiwalaan ba kita?"


(anung klaseng tanong yun?)


"Sos. sa iyo ko dapat itanong yan. mukha kang nangangagat." sagot ko naman sabay kagat ng burger.


"Anu ba? magseryoso ka naman! seryoso ako ee." sabi nya.


"Seryoso ba. Ano bang feel mo? mukha ba akong mapapagkatiwalaan?


tumango naman siya, pero hindi siya nakangiti katulad nung una.


(Naknampusa..)


(maganda pala siya talaga pag serious effect.)


 "oh e ganun naman pala e.  baket nag hoholdback ka pa? may sasabihin ka ba?" ask ko sa kanya.


"hesitant ako.. baka kasi dahil close kayo ni kuya e masabi mo sa kanya.."


"Hindi ko naiintindihan vanessa.." seryoso kong sabi.


tahimik lang siya. mukhang kumukuha ng bwelo.


"Uhm.. bakla ka? dont worry hindi halata.." nasabi ko na seryoso ang pagkakadeliver


"Bwahahahahahah!! Punyeta ka Maverick ka eto na eh!!" bulaslas ng tawa ang kikay.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon