Part 48: Karma Chameleon?

1.7K 7 0
                                    

Nauna na kaming apat na lumabas ng football field. Nang makarating sa may gate ay nakaramdam ako ng kakaiba..

(may pakiramdam akong nakakalat sa labas ang mga rivals..)

(napuruhan ang isa sa kanila)

(paano kung may nakatanda sa mukha ko?)

(O sa mukha ni Margaux sa Galleria?)

(mahirap na..)

(ah teka..)

"guys.. saglet." pagpapahinto ko sa kanila.

"why?" ask ni Margaux.

"I just have this gut feeling na dapat mag extra ingat tayo." babala ko sa kanila

"Malapit kaya ang mga nakabangga nyo?" ask ni Vanessa.

"Yun ang feeling ko. sumabay tayo sa dami ng paglabas. at least nasa gate na tayo." wika ko naman.

"baket wala ba sila kuya?" muling ask ni Vanessa.

"Wala akong napansin na member sa loob kanina.. parang unusual lang.." duda kong wika.

hindi sumagot si Vanessa.

"Okay." wika ni Margaux.

"And.. lalakad tayo until sa may lambingan bridge. dun pa lang tayo makakasakay. Margaux, you walk with Vanessa."

"ooooh. kay." hesitant nyang wika.

(alam kong asar ka sa kanya..)

(pero hindi ito ang oras para mag maarte ka.)

Tiningnan ko siya.

(Trust me on this.)

Na gets naman nya ang ibig kong sabihin at nag kibit-balikat na lang.

"I walk with Brenda. keep a 1 meter apart distance." bilin ko sa kanya.

"Sure love ko." sagot naman nya.

inalis ko ang shades ko sa ulo at isinuot ang clear glasses ko..

"tara.." wika ko sa kanila.

_______________

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon