Part 20: A Day with Kikay.. Continued

2.1K 4 1
                                    

Wala e. mabibo ako. wala na akong nagawa kundi samahan si Vanessa sa Cherry Foodarama sa Shaw Blvd. kamot na lang ako ng ulo.


"Hey Maverick! kuha ng push cart, madami dami ito." sabi ni Vanessa.


(Wow ha. suddenly may utusan ka ha?)


(iwanan kita rito makita mo.)

Wala din. Sumunod naman ako at kumuha ng push cart.


"Hey Maverick, super thank you sa pagsama mo sa akin ha?"


(Yon! marunong naman pala maka appreciate e!)


"Wala yun, malakas ka sa akin, kapatid ka ni Bogart e." pabida ko na naman.


"hihihi.. gentleman ka naman pala.." wika nya


(Hindi ko talaga trip ang mga patutsada ng bibig ng kikay na to.)


"Baket? kala mo bargas ako?" wika ko habang tinutulak ang push cart.


tumango siya habang nakangiti.


"Sos, kuya mo ang ganun. hindi ako." uninterested kong sabi.


"E magkaibigan kaya kayo. Sabi nga ni Mama. Tell me who you're friends are and I'll tell you who you are." sagot naman nya.


"Iba iba ang tao, siguro may mga pagkakapareho kami sa gusto ni Bogart, pero siyempre, ibang iba ako sa kanya."


"I know.. buti nga nagka girlfriend yun. Sira ulo yun e. Buti't pinatulan siya ni Marie.."


(So kilala nya si Marie.)


"Uhm kilala mo si Marie?" ask ko sa kanya.


"Uu naman, she calls my kuya everyday madalas ako nakakasagot."

(Signs na tanga ka.)

(Syota ng kapatid nya.)

(Malamang kilala nya?)


"ganun ba? patingin nga ng listahan?"


iniabot sa akin ni Vanessa ang listahan, at kumuha ako ng ilang items para ilagay sa cart.


"Pero alam mo, kahit ganun ang kuya ko, marunong din umiyak sa babae yun."


(Talaga? Si Bogart na bargas? may soft side sa babae?)


(Hanep..)


"Hmft.. akalain mo yun? Hehehe.. astig! Ang tibay naman ng babaeng yun para paiyakin si kuya Bogart.. hehe" natatawa kong sagot.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon