Part 105: HELL WEEK! - MONDAY..

869 3 0
                                    

Monday Morning: 


Same shit. Matapos ang Morning Prayer ay nagsipasok na kami sa classroom. 


Same shit. Same eyes. Same bulungan. 


 
Wala akong pakialam. 


Dati rati e sa bandang gitna ako nakaupo. Sa gitnang halos katapat na ng teacher's desk. 


Today, hindi ako sa usual na pwesto ko nakaupo. 


 
Pumwesto ako sa dulong upuan. 


 
Sa tabi ng basurahan. 


 
Walang umuupo dun, pero sa sandaling ito, mas okay na siguro to. Tanaw ko silang lahat, at hindi nila ako mapapansin. 


 
(Or so I thought.) 


"Is Mr Esteban absent today?" 


Hinahanap ako ng adviser. Homeroom siyempre ang first subject. 


Lahat sila e lumingon sa direction ko. 


(Tangina.)

 


(Wala rin.) 


Nagtaas ako ng kamay. 


"Present Ma'am" blanko kong wika. 


Nilapitan ako ng adviser at malumanay na kinausap. 


"Mr Esteban, can we talk outside the classroom for a few minutes?" ask ng adviser ko. 


(Here we go again.)

 


(Monday na nga pala.) 


(Oh well.. yeah, may problema nga pala.) 


 
"Yes Ma'am." blanko kong tugon. 


 
At saglit kaming lumabas ng adviser ko sa room. 


 

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon