Part 50: Darkness Begins..

1.9K 8 0
                                    

Pagbaba namin ni Margaux ng hagdan ay nakita ko ng nagseset up ng alak at pulutan si Bogart.



(Tss.. ayos to..)



(Mukhang makakarami kami ng inom nito.)



(Apat lang kami.)



Si Marie naman ay nasa kusina pa rin.. mukhang hinuhugasan pa rin ang mga plato..



pumunta ako sa sala habang si Margaux naman ay nag paalam sa akin.



"Love ko help ko muna si Marie sa kitchen ha?"



"Okay po love ko." sagot ko naman.



_________________



"Kuya tulungan na kita." pag aalok ko.



"Sige." sagot naman nya.



"Malakas ka na ba uminom Maverick?" ask ni kuya Bogart.



"Sapat lang kuya. hindi naman kalakasan, pero nag iinom din naman kami ng aking mga neighborhood friends.." sagot ko naman.



"Ano ba tinitira nyo?"



"Gin Pomelo kuya. Minsan pineapple." sagot ko naman.




natawa ang animal.


"Hehehe matamis. pambata.." tawa nyang wika


"Gin pa rin yun. tadjakan kita jan e." sabi ko sa kanya.



"Na try mo na ba ito?" ask nya habang hawak ang Fundador.



(Tiningnan ko ang bote.)



(Napalunok ako.)



(Ang laki.)



(Nakakatakot..)



(Parang hindi ako bubuhayin amf.)




"Hindi pa.. pero may subukan yan. Hinahalo ba coke jan?" ask ko sa kanya.



"Ikaw.. kung yun ang trip mo e. pero hindi ko irerecommend." sabi naman nya.



"aahh ganun ba.. sige sige.. alalay lang ako.." sabi ko naman.



humarap sa akin si Bogart. tiningnan ako ng head to foot.



"Hmm ibang iba na nga ang aura mo tol.. nagbinata ka talaga simula ng naging syota mo si Margaux.." wika nya.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon