Chill lang akong nagyoyosi sa sidelines ng court.
Iginagala ko ang aking mga mata. Baka sakaling makakita ng madidigahan.Mukhang wala.
Yung nag iisang may itsura e si Abby at si Carlo na ang kumakana.Oh well.. kesa mag computer ako sa bahay bago matulog at magmukhang loser dahil hindi ko makausap ang syota kong banned ata sa phone ngayon e dito na lang siguro ako.
Uminom ako ng gin pomelo at nag puff ng yosi.
Sound trip na lang siguro.
Nag vibrate ang beeper sa case nya sa belt ko. Kinuha ko ito at binasa ang message.
"Hey party boy! May pasok tayo bukas! Don't stay up too late! Sleep na ako. Goodnight! I love you Maverick.. - Margaux"
In the middle of a party, my girlfriend reminds me na don't stay up too late daw. Hehe..
Party girl din kaya siya.
Yun lang, she's older and minsan parang nalilito na ako paano ako itrato nito. hehe..Para nya akong anak. Overprotective!
Pero for a girlfriend, ayos talaga si Margaux, dahil tipikal sa mga relasyon ang mga magsyotang mahilig sa "bawalan".
(Bawal ang ganito. Bawal ang ganyan.)
(Dapat ganito. Dapat ganyan.)(Dapat sumunod ka sa akin.. kung hindi? Break na tayo.)
(puta.)
(yung kasintahang akala mo e ikaw e pinalamon ng mahabang panahon kung magbawal?)

BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Roman pour AdolescentsI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...