Part156: The Much Awaited Fri-Date!: Uhm.. Back to the Ball Game?

736 6 0
                                    

Nagmamadali kaming tumakbo ni Ness sa stove.



"Sizzle! Sizzle!" galit na galit na tunog ng kawaling nasusunog at halok lumuha na ang mga mata namin sa usok na kasalukuyang kumakalat.



"Mav! Tubig! Dali!!" sigaw ni Kikay




Sa pagmamadali ko ay agad kong nabuksan ang gripo ng todo, ay nailagay agad dun ang isang kaserola na mabilis na napuno ng tubig.




Agad kong ibinuhos ito sa nasusunog na kawali.




SSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! tunog nito.





Mabilis kong ipinihit ang switch ng stove para mamatay ang apoy nito. Dinampot ko ang non stick frying pan at dinala ito sa CR nila at pinadaluyan ng tubig galing sa gripo.






SSSSSHHHHHhhhhhhhhhhhhh... dahan dahang pag hina ng kanina e galit na galit na init nito.





"wheew!" wika ni Kikay out of relief.





"Putek. Sa sunog pa ata tayo mahuhuli sa pinag gagagawa natin. Grahahahahhahah!!" tawa ko naman.





"E bakit mo kasi pinabayaan ang bacon! Sunog tuloy!" singhal ni kikay sa akin.




"Ikaw kaya ang nagluluto ng bacon!" singhal ko rin.




"Inagaw mo kaya sa akin!" singhal nya ulet. 




"E akala ko e nahinaan mo na ang flame!" sigaw ko sa kanya.




"Akala ko e ikaw ang gumawa nun!" singhal din nya sa akin.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon