Sa malayong sulok ng Football Field malapit sa wall na tanaw ang Innocentes street kami nag yosi.
Inabutan ko ng isang stick si Dimaandal.
"Gitlang gitla si tanga ih!" natatawang wika ni Dimaandal.
Huminga ako ng malalim.
"Oo nga e. Kung hindi ko naman kasi gagawin to, e magpapatuloy sila sa pang gagago sa akin. Intel ako. Asset lang dapat. hindi dapat ako sangkot sa mga ganitong gulo." wika ko.Sinindihan ni Dimaandal ang yosing iniabot ko sa kanya. Ilang saglit pa ay nagsalita na ito.
"Ay simple la-ang naman ang buhay kabayan. Tandaan mo na lahat naman ay nagbabago. Ang gulo ay sadyang kasama na sa buhay ng tao.. pero are e ilagay mo sa i-yong balintataw ha.."(Translation: Balintataw - consciousness, isipan)
"Wag kang mang aagrabyado.."
"Wag ka rin magpapa agrabyado."
Seryosong wika ni Dimaandal.
(Wag kang mang aagrabyado.. at wag rin dapat magpapa agrabyado..)
(Hmmm..)
(Tama siya..)(The Balance..)
(The Yin and Yang..)"Sa tayong gay-an? malamang ay hindi na ikaw magiging intel. Asahan mo kabayan. Baka ikaw e pa ipwesto na ni Kuya Brenan sa harapan pag may trouble." wika nya.
"Ayaw ko Dimaandal.. hindi ko expertise ang manakit ng tao." wika ko.
"Esteban, kami ay hindi mo laging makakasama. Darating ang saglet na ga graduate na kami, kakalas na rin ng gang. Mag aaral na ng college. Magaling kung dine pa rin kami mag ka college.. Ay paano kung hindi?! Ay pagnagka gay-on nga e paano ka?" inquisitive nyang ask.
(Hmm.. tama siya.)
BINABASA MO ANG
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens. Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of the young me 18 years back.. my high school story.. A misfit of my time, looking for answers my young heart has always wanted...