Part 47: RakRakan na!

1.8K 6 0
                                    

Nakakuha na kami ng pwesto sa may harapan. iniisip ko, uu nga pala concert to, hindi movie marathon :D



Andami ko kasing dalang food.



Binulsa ko na lang ang dalawang waffle at sa upuan ko na nilagay ang cheese fries.



(Well.. better be sure than sorry)

(Mahirap lumabas at babalik din)



tumayo na lang ako at hinayaan kong naupo si Margaux.



Unang set: The Teeth!



Feeling ko tig-limang songs ang bawat banda.. Well lahat ng ata ng song ng the teeth e gusto ko..



Ang pangalawa sa last nila, nagkaroon ako ng pagkakataong dumiga.



Kinanta ang "Prinsesa".



"Dalhin mo ako sa iyong palasyo..

Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian..

Wala man akong pag-aari..



(hinawakan ko ang kamay nya at ginawa kong pinky fingerhold) 



Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan..


(napatingin si Margaux sa akin)



O aking prinsesa.. ha-a-ah, prinsesa



(iniaangat ko ang holding hands namin..)




Prinsesa, prinsesa...



(ni kiss ko ang kamay nya.. sabay pa cute na smile..)




napangiti ang babaeng singkit at pinisil ang ilong ko.



"ikaw talaga!" hirit nya.



"baket?!" nakangiti kong tanong.



"You never cease to make every second count!"



"Siyempre pa, kahit syota na kita.. patuloy pa rin kitang liligawan!" wika ko naman.



"HIndi mo kaya ako niligawan! hahahaha!!



"Oo nga naman ano?! Ikaw nga pala nanligaw sa akin! hahahah!!" sagot ko naman.


"Ang kapal ng mukha mo! hahaha!!" tawa nyang tugon


"Basta ang alam ko?"



(medyo lumuhod ako ng bahagya ng nakakapit pa sa pinky promise hold)



"..ikaw ang prinsesa ko!" pagtatapos ko.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon