Part 101: Meeting Adjourned!

974 8 0
                                    


"Hi Tita.." bati ko sa mommy ni Daniel pagpasok ko ng bahay nila

"Uy Maverick." tugon naman nya. 

"Tita makikitawag po ako huh? 5 minutes lang po." paalam ko sa mommy ni Daniel.

"Oo naman sige lang." wika ng ina ni Daniel.

Ni dial ko ang number na ibinigay sa akin ni Margaux sa beeper.

RRRRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGG!

"Hello?" sagot ng babae sa kabilang line.

"Hi there.. Maverick po, pwede po kay Margaux?" ask ko sa sumagot na babae.

"Ikaw yung boyfriend nya?" ask nung girl.

"Yeah.. anjan po ba siya?"

"Oo.. and I think you know me." sagot nung babae.

(Sino naman to?)

"I'm not sure. Sino po sila?" magalang kong ask.

"It's Tricia. I believe we met nung sinundo mo siya sa school.." wika nung babae.

(Tricia..)

(hmmm..)

(Ah!)

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon