Part 78: Antipolo ODDventure Begins!

1.3K 7 0
                                    

5:30 AM - Saturday

Siyempre hindi kaagad gigising si Mader. Weekend eh.

"Uuuuhmmm..!" naginat akong bumangon.

Una kong dinampot ang handset. Nag iwan ako ng beep kay Margaux.

"Good morning love ko.. Just woke up.. prepping up na po. I'll leave the house in 30 minutes. Take care on your way. i love you.. - Maverick"

Yeah.. mag papack pa nga pala akong dadalhin. I hurriedly filled my gym bag ng pamalit na damit, my trunks, some toiletries and setting lotion.

Matapos ang ilang minuto, tumunog ang beeper ko.

"Same here. I wish I can call but its so early pa. Be careful on your way ha. I'll leave the house shortly, just drying my hair. i love you too.. -Margaux"

nagpalit na ako ng pang alis. Board shorts, plain shirt lang. Nag slippers lang ako at swimming naman.

Yung tipikal na itsurahan ko pag mag swimming ako sa school.

(Hindi na ako naligo. Ligo din naman ang pupuntahan ko e.)

(Doon na lang.)

(sos.. katamaran..)

Matapos magpack ay bumaba na ako. Naalala ko yung sinabi ni Margaux.

("masarap ba mag luto mommy mo?")

She definitely has to try mah momma's cooking. kumuha ako ng tupperware at naglagay ng menudo. Its only fair dahil she will make me something good to eat pagdating dun.

Dapat meron din akong dala sa kanya.

6:00 AM - All Set!

nag iwan ako ng sticky note sa fridge.

"Ma, maaga ako umalis ngayon. Nagdala ako ng menudo. masarap e. be home by 8:00 PM. Love u!"

Lumabas na ako ng bahay at ni lock ang pinto on my way out.

_______________________

6:25 AM - Don Bosco Mandaluyong, Kalentong Gate 2

Saglit lang at nasa Kalentong na ako. Naalala ko nga pala.. hindi pala ako nag breakfast!

Bumaba ako sa tapat ng school gate. Sa gate 2 ako bumababa at may chilli dog stand doon.. pag aari ng kaklase ko rin.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in time (Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon