Ilang oras nalang bagong taon na. Malapit na pagpapalit ng taon pero ito,para akong namatayan. Bwisit na pag ibig yan! Pahamak! Tang ina. Sakit pala dulot ng pag ibig. Tang ina! Mamatay na lahat.
"Baks ayos ka lang? Pagkakaalam ko mag n-new year hindi magsisimana santa. Biyernes santo lang? Panget mo ah." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagtitig sa cellphone ko.
Iniisip kung itetext ko ba siya o hindi. Ngayon ko lang nakuha ang number niya at iniisip kung anong pagpapasyang gagawin ko.
Tanga ba? Mas pinili na niya si Zenia pero itetext ko pa? Hayaan na, minsan lang sa isang dekada 'to. Susubukan ko lang.
"Baks hard touch na ba 'yan phone mo? Diin ng pindot ah? Lokal kasi cellphone mo."
"Wag mong istorbohin ang heartbroken."
"Wow, nagsalita ang hindi. Tigil mo nga 'yan Luke baka sa halip na sa taas sumabog ang mga kwitis ay sa mukha mo pa sumabog."
Lumabas ako ng salas dahil ang ingay nilang dalawa. Hindi ako makapag concentrate kung ano ba dapat kong itext dahil sa ingay nila.
Naupo ako sa upuan malapit sa veranda ng bahay at binalik ang atensyon sa create message.
Hinga ng malalim.
Bwiset kinakabahan ako.
"Paano ba kasi sumaya? Takte!"
"Hay iba na talaga panahon. Kahit pagiging masaya pinapangarap na." Napalingon ako sa nagsalita.
"A-Anong g-ginagawa mo dito?" Tanong ko habang naglalakad siya palapit sa tabi ko.
"Binibisita ka? Masama bang bumisita ang tinakbuhan?"
"C-Calvin-"
"Gusto lang kita makita ngayon. Kahit ngayon lang. Mamaya, babalik na pala kami ng Paris. Pinababalik na ako doon ni daddy para sa operasyon ko."
"Ganun ba? Biglaan naman ata."
"Oo nga eh, parang kailan lang kasama pa kita. Kita mo oh, new year na mamaya."
Tumingala siya at tumingin sa langit. "For the last, gusto kong itanong kong minahal mo ba talaga ako."
Nginitian ko siya. Tumayo ako niyakap siya. "Gusto kong maging tapat kahit alam kong masasaktan ka. Hindi kita minahal tulad ng pagmamahal mo pero pinahalagahan kita. Hindi ko alam kung paanong pagpapahalaga ang ginawa ko kahit sinasaktan kita pero ito lang masasabi ko, ayokong pati ikaw iwan mo ko." Sinasabi ko habang nakayakap sa kanya. "Closure na ba 'to ng samahan natin?" Tanong ko.
"Kung maaari. Ayoko ng magkaroon ng connection sayo dahil may tao rin palang nasasaktan pag magkasama tayo."
"Sino?" Humiwalay ako sa yakap niya. "Si Krissy ba?" Ngumiti ako sa kanya na siyang pagtango niya. "I'm happy for you. Mukhang mahal ka pa rin niya."
"Siguro mahal pa niya ako. Pero ikaw, mahal pa rin kita." Sinimangutan ko nga, "Haha Syempre mag m-move on na ako."
"Sige, basta mag ingat ka ha? Pagaling ka."
"Gusto ko, sumaya ka. Gusto ko lagi kang nakangiti. H'wag ka ng iiyak ha? Papanget ka. Oh aalis na ako kahit I hate going an entire day without talking to you."
"Naks! Di halata? Sige layas na boo!"
Ginulo niya buhok ko at hinalikan ako sa noo. Mahabang proseso munang kulitan at tawanan bago kami maghiwalay.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...