|Alys|
Padabog akong tumayo sa swivel chair ko ng mapansin kong may kulang sa mga documents sa table ko. "What the?! Nasaan na 'yun?" Pinagbubuksan ko ang drawers ko sa table ko at pinaghahalungkat kung baka naitago ko na naman ang folder na 'yun.
"Where's the file here?" tanong ko sa mistisang babae na kakapasok lang dala-dala ang isang cup of tea
"W-Wala po akong alam-"
"Tss. Get out" utos ko at bumalik sa paghahanap
Shit. Nasaan na ba 'yung folder na 'yun? Nakacompile sa folder na 'yun ang lahat ng access ng bank account. Naroon din ang History ng mga perang pinaggastusan kaya hindi pwedeng mawala 'yun. Wala akong ibang copy nun. Damn it. Saan ko ba 'yun nailagay?
"Oh mamon!" Napatingin ako sa pinto
"Kuya Ashton kinuha mo ba 'yung folder dito?"
"Wala akong kinuha d'yan" sagot niya habang nakakunot noong tingin sa akin
Oh nose- "Who is this?" tanong ko pagkasagot ko ng tawag sa cell phone ko "I said who is this?" ulit ko. Nako, anong trip ba nitong caller na 'to at parang pipi o bingi pa yata.
"Sis I'm going" 'di ko pinansin si kuya Ashton at hinayaan na lumayas sa harapan ko
Hinintay ko magsalita ang caller. I was about to end call the phone call ng marinig ko ang mahinang boses mula sa kabilang linya, "Alys Miracle Cruz" his voice is very familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko ko narinig. The way he said my name, may bumabalik na scene sa isipan ko.
"Who is this? I asked again
"Sakit baby. Di mo na ako matandaan?"
Sandali akong nag isip. Baby. Isa lang naman ang tumatawag sa akin baby dati. And it is "Jasper Loseriaga" banggit ko sa pangalan niya
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya "How are you?" tanong niya
Naupo ulit ako sa swivel chair "It's been a long years, Neyo."
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."
"I'm busy with my business. How did you get my number?"
"Connection."
"Lets meet."
|Jasper|
"Where are you going dude?" Fifth asked when he saw me
"Date" Natatawang sagot ko bago lumabas ng Black Hall.
Sumakay ako ng kotse at tinawagan si Rielle "Nakuha mo ba ang folder?"
"Yeah."
"Okay, magkita nalang tayo bukas." sabi ko then I hang up.
Tinignan ko kung may text si Alys.
Cake Parlor, eastward, 10 onwards.
Nagdrive ako papuntang eastward ng city para makipagkita kay Alys. Nine palang ng umaga, ayoko naman magpalate kasi baka isipin n'yang pa-vip ako. Minsan na nga lang kami magkita, papalate pa ba ang isang Jasper Loseriaga sa isang dyosa?
Binuksan ko ang gps ng sasakyan ko at cheneck ang route kung may traffic ba sa main highway. Kinaliwa ko ang takbo ng sasakyan at dumaan sa overpass. Shorcut. Traffic sa main highway.
Bumaba ako ng kotse after ten minutes. Pumasok ako sa Cake parlor and oh, I took all their attention. Sheyt! Iba talaga pag gwapo. Makasalanan na talaga ang kagwapuhan ko. Ang dami kong inaagaw na atensyon. Tsk. Tsk. Kung maibabahagi lang talaga ang kagwapuhan, marami na akong natulungan.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AzioneWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...