Chapter 14

13.1K 265 5
                                    

Alys'POV

"Ikaw, bakit ka playboy?"

Natahimik siya. Natigil siya sa pagtawa ng tanungin ko siya. Bigla siyang tumayo sa upuan at lumapit sa akin.

Tinignan lang niya ako sa mata. I felt something beat--wait, puso ko pala 'yun.

Inantay ko siyang sumagot pero wala akong nakuhang sagot dahil nilagpasan lang niya ako sa sala ng beach house.

Napahawak ako sa puso ko. Seriously, bakit ganito ang beat ng puso ko? Imposibleng may nararamdaman ako sa kanya dahil nararamdaman ko rin 'to kay Luke. Hindi ko mapaliwanag yung beat ng puso ko. Parang may ewan na ako mismo ang dapat sumagot.

Bakit kaya hindi niya sinagot yung tanong ko? Gusto ko kasing malaman kung bakit siya ganun. Kung bakit ang hilig niyang paasahin ang mga babae. Wala ba siyang utak para isipin na may nanay din siyang pwedeng masaktan kapag tatay na niya ang gumawa sa nanay niya? Hindi ba niya naisip yun? Masakit masaktan. Sabi nila.

So, here we goes. Nagtext nga pala sa akin si Jorgette-pinsan ko-kanina noong hindi pa kinukuha ni Calvin yung phone ko. Nasaktan daw siya ng makipag break ang Long time boyfriend niyang hindi ko naman kilala. Pilit kong iniisip ang Logic kung bakit masakit ang masaktan. Kasi, hindi ka naman masasaktan kung hindi ka magmamahal ng sagad, hindi ba? Kung bibigyan lang nila ng Limitasyon ang pag ibig nila sa isang tao, maiiwasan ang sobrang Heart break. Maiiwasan ng sobrang sakit. Isa pa ang dahilan kung bakit sila nasasaktan ay ang pilit na pag alala sa nakalipas na. Pilit iniisip ang nakaraan na hindi na pwedeng ibalik pa dahil tapos na.

Hindi ba pwedeng  isipin nalang nila na tapos na? Na over game na? Na tama na? Ito ang nakakainis sa lahat, eh. Ayaw nalang mag-move on. Tarakya! Madaling mag-move on! Kung gusto mo!

Bakit ba nahihirapan mag move on ang isang tao? Dahil may dahilan sila. Umaasa sila na babalikan sila ng mga taong mahal nila. Iniisip nila na maaaring bumalik ang isang tao sa buhay nila. Gahd! Binasura ka na nga, babalikan mo pa ba ang nagtapon sayo? Hayaan mo siya. Hayaan mo na manghinayang siya na tinapon ka niya.

Inabot ko ang picture frame sa desk table, sa tabi ng couch na inuupuan ko.

Isang picture ng bata. Nakatawa siya. Ang saya-saya niya dito habang may hawak na balloons. Mukhang si Calvin 'to. Ang layo ng saya niya sa saya niya ngayon. Pero teka, masaya ba talaga siya? Ramdam kong hindi siya masaya. Baka paranoid lang ako? (•_•)

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kitchen. Tinawag na kasi kami ni manang-nag aalaga ng bahay na to- na kumain na daw kami dahil nakahain na. Naupo ako sa isa sa mga upuan. Lima ang upuan at tatlo lang kaming kakain. So, sobra ng dalawa.

Pumasok si Calvin sa kusina. Naka pang bahay lang siya pero angat pa rin ang kagwapuhan niya. Duh Alys! Nagpalit lang siya ng damit kaya hindi na mababago na gwapo siya.

Naalala ko na naman yun I trust you niya. Kinikilabutan ako. Paksheyt! Bakit ganito? Bwiset!

"Oh maupo kana iho, matagal tagal din tayo hindi nagkasabay ng pag kain. Oh ikaw iha, kuha ka lang dyan ha? Feel free to eat all."

Medyo natawa ako sa english ni manang. Iba na talaga pag mayaman ang amo, nahahawa ang katulong.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ang hapag kainan. Naaalala ko tuloy yung bahay namin. Ganito rin ang eksena sa dining area namin kapag kakain na. Nakakamiss din pala sumabay ng kain sa kanila no? Hayy.

"Ako na maghuhugas nito, manang " sabi ko habang tinutulungan siyang mag ayos ng pinag kainan namin.

Sa totoo lang,hindi ako marunong maghugas ng plato. Ni minsan kasi hindi ako tinuruan maghugas na plato dahil may katulong naman kami na maaaring maghugas ng pinag kainan namin. Nasanay din ako na hindi gumawa ng gawaing bahay. Yung favorite kong yaya dati, wala na siya. Nag resign na dahil nabalitaan niyang naaksidente ang dati niyang alaga. Kailangan daw siya. Pero syempre hindi pa ako nakakaintindi ng bata pa ako kaya pinapili ko siya. Halos magwala ako ng iba ang pinili niya. Simula noon, inayawan ko na lahat ng magiging personal yaya ko. Teka,bakit napunta sa yaya?

"Nako, huwag na iha. I can manage this."

Heto nanaman po si manang,pasimpleng english talaga. Bilib na talaga ako sa kanya.

So heto nga, hinayaan ko nalang si manang. Hindi ko na kinulit dahil hindi ako makulit. Umakyat na ako sa kwarto. Yung kwartong in-assign sa akin ni Calvin.

Pagkapasok ko,nabighani kaagad ako. Alam na alam niya talaga favorite ko ha? Red ang ambiance ng buong paligid. May red roses sa kama. Kinuha ko 'yun.

Happy Monthsary, Miracle.

-Lim.

Napangiti ako. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming nahuhulog sa kanya,ang sweet niyang tao.

Tinago ko yung sticky note at nahiga sa kama.

Tumitig ako sa kisame. Iniisip siya.

Yung ngiti. Yung masungit niyang mukha. Namimiss ko. Yung crush ko ng bata pa ako. Nasaan na kaya siya? May girlfriend na kaya siya?
**

Maaga palang ay prepare na ako para sa byahe namin. Linggo ngayon. Ilang oras ang byahe mula sa beach house na 'to hanggang sa bahay namin.

"Magpapaalam na po ako manang, ingat po kayo." sabi ko bago buhatin ang bag na dala ko.

Ngumiti si manang sa akin,"Sige. Alagaan mo si Calvin ha? Wag mong hayaan na umiyak siya."

Tumango ako sa sinabi niya bago tumuloy sa sasakyan.

"Alam kong wala tayo masyadong ginawa dito pero thank you dahil sinamahan mo ako." Yan ang bungad niya ng sumakay ako sa front seat, sa tabi ng driver seat. Ang lungkot ng boses niya.

Tumango lang ako bago niya paganahin ang makina ng sasakyan.

Tulad ng kagabi, walang imikan. Tanging ingay lang ng audio player ang nagbibigay ingay sa loob ng kotse. Gusto kong tanungin kung bakit siya tahimik pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala ako sa lugar para tanungin siya ngayon. Mukhang malalim ang iniisip kaya hinayaan ko nalang siya.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon