Alys'POV
Expect ko na dito kami sa taas ng Wheel of fate manunuod ng fireworks tulad ng ibang napapanuod at nababasa ko. Iniisip ko na magagaya ako iba na nanunuod ng fireworks sa taas pero imposible pala 'yung gusto ko.
Ayaw niyang manuod sa Wheel of fate dahil ang corny daw. Rugged. Wala talagang sweetness sa buto. Binabawi ko na sweet siya.
Anong corny don? Wala naman akong nakikitang kamais mais sa taas. Minsan pakainin ko kaya 'to ng sampung kilong asukal ng maging sweet? Maldito kasi.
Nakitingala ako tulad ng ginagawa ng katabi ko. Busy kakatingin sa fireworks. Parang bata na ewan dahil kakangiti. Pero hindi ako satisfied sa ngiti niya.
"What is happiness for you?" Nagitla ako sa tanong niya.
Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa 'kin 'to lalo't hindi ko naman iniisip ang ganitong kababaw na tanong.
"Having you is enough to explain what happiness really means."
Napatingin siya sa 'kin. Weird o paranoid lang ba talaga ako ng mahagip ng mata ko ang pekeng ngiti niya o ewan?
He looked weird.
"Kung papapiliin ka,yung taong mahal mo o 'yung mahalaga sa 'yo?"
Na-encounter ko na ang tanong na 'to dati. Napagdaanan ko pa nga,eh. Hindi mahagilap ng dila ko kung bakit ko 'to natanong basta sumagi nalang sa utak ko.
Nababahala ako na baka si Zenia na naman ang nasa isip niya. Natatakot ako na baka pagkatapos nito umalis siya. Natatakot ako na mabago lahat. Na baka masaktan ako.
Minsan talaga sa buhay ng tao ang weird.May mga bagay na ayaw mo pero ginusto mo. Ayaw mong tumawa pero gusto mong sumaya. Ayaw mong masaktan pero ginusto mong magmahal. Ito ang mahirap sa lahat eh. Kung ano pa ang ayaw mo, doon ka pa sumasaya. Kung baga,kung anong bawal,yun ang gusto.
"Nobody wants to be treated like an Option."
"Alam ko... pero kung papapiliin ka...sino?" Bakit ba gusto kong malaman? Wala naman akong dapat ikabahala 'di ba? Narito naman siya sa tabi ko? Kasama ko naman siya. Pero bakit nga? Bakit? Dahil wala akong assurance na sa 'kin siya? Na dapat akin lang siya?
"5 minutes to go New year na."
Napatitig ako sa mukha niya. Para akong tanga na inaantay ang sagot niya. "Iniiwasan mo ba tanong ko?" Hindi tulad ng iba, ayoko ng umiiwas sa tanong ko dahil ang pag iwas ay isang palatandaan na may tinatago.
Neyo'POV
"Putcha dumating ka pa." agad kong sinapak si Calvin na kakarating lang. Tado 'to,akala ko hindi na sisipot sa flight.
"San ka galing?"
"Interested tol?" pang aasar ko kay Fifth.Tinignan lang niya ako ng masama kaya tinapik ko nalang siya.
"Oh ingat mga gago ha? Sensya na hindi talaga ako makakasama sa inyo."
"Asa pa kami." nilingon ko si Krissy. Mugto ang mata.
"Hindi ka ba mabubuhay ng wala ako?" pang aasar ko sa kanya at hindi pinansin kung anong nangyari. Hindi rin naman siya magsasalita kung tatanungin ko pa. Magsasayang lang ako ng laway.
"Mamatay ka na."
Natawa nalang ako sa sinabi niya bago marinig ang announcer. Nagpaalam na kami sa isa't isa.
Naknang,sa magbabarkada ako nalang naiwan dito sa 'pinas. Tss. Si mommy kasi eh!!!
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AkcjaWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...