-After One week-
Alys'POV
"I missed you. I want to see you right now, Luke."
(Ow ang sweet naman ng bestfriend ko.)
"Duh! Hindi ka sweet-an yun. Miss lang talaga kita."
(Tss. Wag ka nga magpoker face.) sabi niya
Tinignan ko siya ng masama sa monitor na ikinatawa niya.
Ka-skype ko ngayon si Luke dahil huli ko na nabalitaan na nasa Paris siya, kasama ang kuya niya. Nainis nga ako dahil hindi manlang niya sinabi sa akin na aalis pala siya. Ni hindi manlang ako tenext or tinawagan.
"Kainis ka. Alam mo naman na hindi ko hobby ang pag ngiti 'di ba?"
(Eh, minsan na nga lang tayo mag usap sa skype, nakapoker face ka pa.)
Napangiti ako. Nakanguso na kasi siya.
(Napangiti na kita. Lalo tuloy kitang namimiss.)
Inabot ko ang dairy milk sa tabi ko at ininom.
"Kailan ka ba kasi babalik? Hayy."
(Hindi ko alam kung kailan pero ang alam ko matatagalan kami dito. We don't have specific time kung kailan kami babalik.)
I listened to him.
(Namiss mo na ba ako? Parang hindi eh.) tapos tumawa siya ng mahina.
Bakit ang gwapo ng bestfriend ko? Ang perfect perfect ng mukha niya. Wala ka ng hahanapin sa physical. Alam ko naman na walang taong perfect pero para sa akin, perpekto na siya. Hindi ko alam kung bakit pero kapag malayo siya sa akin, nalulungkot ako.
(Imposibleng mamiss mo ako, bes. Ikaw pa, sawang sawa ka na sa mukha ko 'di ba? Sabi mo?) ngumuso siya
Pero kahit anong gwapo at bait niya, bakit hindi ako nagkaroon ng special feelings sa kanya?
(Natutunaw ako sa tingin mo bes.)
Dahil ba sinabi niya sa akin na huwag akong mahulog sa kanya dahil masasaktan lang ako?
(Bes)
Pero salamat at hindi ako na-fall. Ayokong masira ang relasyon namin bilang magkaibigan. Sapat na sa akin yung set up namin. Na hanggang bestfriend lang talaga.
(BES YOU'RE OUT OF SPACE NA NAMAN?)
Nabalik ko sa ulirat ng sumigaw siya habang tawa ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
(Iniisip mo ba ako bes?) tapos namula siya at umiwas ng tingin.
Kung hindi lang niya sinabi na huwag akong mahulog sa kanya, tiyak iisipin kong may gusto siya sa akin ngayon.
"May gusto ka ba sa akin?" pabirong tanong ko sa kanya. Lalo lang siya umiwas ng tingin kaya tumawa na ako.
(Tss. Ganyan kana bes ha!)
Tumawa lang ako ng tumawa. Ang cute niya kasing magblush. Ang amo niyang tignan pag namumula.
"Hahaha joke lang. As if na gusto mo ako." Ngumiti ulit ako sa kanya."Anyway, tulog na ako bes. Maaga pa pasok ko bukas eh. Night."
Hindi ko na siya inantay sumagot at agad na sinara ang laptop.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Pagtingin ko may tumatawag. Unknown number. Nireject ko naman 'to at nagtaklob ng unan sa tenga. Inaantok pa ako--putspa sino ba 'to?
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...