76

2.9K 64 0
                                    

|Alys|

"Mira,"

"K-Kuya Yuan"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo sa kama. Tumabi sa akin si kuya Yuan at pinat ang ulo ko "Nahihirapan ka na ba?" tanong niya

Huminga ako ng malalim at pumikit ng panandalian "Marami na akong napagdaanan na hirap. Marami na akong nalagpasan na problema at pagsubok. At 'tong nangyayari sa pamilya ko, hindi ko alam kung dapat na ba akong bumigay."

Namatay si mommy na hindi ko nalalaman kung sino ang mga magulang ko. Hindi manlang niya nasabi ang mga nalalaman niya. Bakit ba pinapahirapan ako ng mundo. All this time, pinilit kong maging malakas sa harap ng mga tao. Itinago ko ang mahina kong pagkatao. Pumatay ako para sa ikakaligtas ko. Bakit hindi ko magawang maging masaya? Bakit nasasaktan ako sa mga nangyayari?

Ni hindi ko pa naso-solve ang case ni daddy. Ni hindi ko pa nalalaman kung sino ang pumatay sa kanya at ito na naman, nakaburul ang dalawang tao na mahalaga sa akin.

Do I deserved this pain? Ganito na ba kasama ang tingin ng mundo sa akin para mawala ang mga taong naging parte ng buhay ko?

"Hold and fight. Nagsisimula palang sila."

Simple lang ang sinabi ni kuya Yuan at puno ng kahulugan 'yun. Tama siya. Nagsisimula palang sila. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Kung saan ako dapat maging malakas. Kung dapat bang lumaban ako. Kasi... hindi ko na alam ang gagawin ko.

**

"O-Okay lang ba kayo d'yan Shaira?" tanong ko pagkasagot ko ng tawag ni Shaira

"Okay lang kami dito Alys. Hindi ka ba pupunta?"

Hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya. Mahirap talagang tanggapin.

"Pupunta ako."

Pinatay ko na ang tawag at ipinatong ang cellphone sa desk. In-open ko ang laptop at binasa ang natanggap kong e-mail mula kay Xaner.

Kinuha ko ang Black leather jacket na nakasabit sa likod ng pinto. Lumapit ako sa drawer at kumuha ng tatlong gold pistol, dessert eagle, AK47, M4A1 at ilang ammunitions. Kinuha ko rin ang gun pocket sa ilalim ng unan ko at ipinulupot sa thigh ko. Isinukbit ko roon ang mga pistol at dessert eagle. Inilabas ko ang gitara mula sa lalagyanan nito at ipinalit ang AK47 at M4A1. Pumasok ako sa walk in closet, lumapit ako sa isang pinto roon at pumasok ulit. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng smoke bang at gas mask. Hinila ko ang kama na may gulong at kinuha ang sword.

Nagsuot din ako ng boots at komportableng damit na fit sa katawan ko at isang pares ng gloves. Bumalik ako sa kwarto at binitbit ang guitar case. Kumuha ako ng pentel pen sa drawer ulit. Dinampot ko ang susi ng kotse at pumunta sa garahe. Hinugot ko ang hand gun sa likod ko at binutas ang gulong ng kotse ni kuya Yuan at Milka. Sumakay na ako at umalis.

In-on ko ang gps at itinrack ang location ni Haivara. Nang matrack ko ay ikinaliwa ko ang sasakyan patungo sa isang Hotel Towel. I don't know pero hindi naman doon ang pinagdalhan ko sa kanya at napadpad siya roon. Tss. Inapakan ko ang gasulinador para makarating kaagad doon. Inabot ko sa valet ang susi at pumunta sa front desk.

"Haivara Maxwell please-"

"Ah Ma'am, sorry po pero pinasabi ng kasama n'yang lalaki na bawal ibigay ang identification suit niya."

"Ha? Sino- I mean may kasama siya?" Nakapagtataka. Sino naman ang kasama niya tsaka bakit siya may kasama? Alam naman niya na kailangan namin maghigpit sa siguridad niya.

"Anong oras dumating ang kasama niya?"

"Minutes ago ma'am. Nakafitted jean at v-neck shirt, may logo na B O sa likod-" fuck!

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon