88

2.3K 50 0
                                    

|Zenia|

"Baby Eythan" I whispered on his ear. Hinaplos ko ang pisngi ng munti kong anak na anghel. Napangiti ako ng mapakla.

Sa kabila ng mga nangyari sa akin noon, lumabas na kompleto ang anak ko. Na normal. Na walang epekto ng drogang itinurok nila sa akin. Mga araw kung paano nila ako nilaspag ng mga droga. Kung paano pilit kong binubuhay ang sarili ko araw araw dahil sa mga ginagawa nila.

Ang lungkot isipin kung paano ko sila pinapanuod sa loob ng chamber na kinaroroonan ko habang nagtatawanan at nakatingin sa hubot hubad kong katawan. Ala alang pilit kong kinakalimutan sa loob ng mahigit na ilang taon na pananatili sa lugar nila.

Hindi naman ako makakarating sa sitwasyon na yon kung hindi ko lang nakilala si Miracle. Kung hindi lang ako pumayag sa kagustuhan niya. Hindi sana nasira ang buhay ko. Sana, ako pa rin ang mahal ni Ezekiel. Ako pa rin sana ang hinahanap hanap niya.

"Gusto kong mabuhay ka para sa akin, Eythan. Gusto ko ikaw ang mamuno sa magiging posisyon ng ama mo. At gusto ko, ipaghiganti mo ako. Eythan, Eythan Palma. Palma ang gagamitin mo kahit hindi kami kasal ng daddy mo. I love you son."

**

"Everythings is already set up." Narinig kong pahayag ng coordinator na kinuha ko para sa Christian party ng anak ko. Napangiti ako sa theme ng venue. White and Sky Blue.

"Good. Bukas na ang party."

Napangiti ako. A sad smile.



|Haivara|

"Kumusta?" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Si kuya Yuan.

"Ayos lang kuya. Bakit ka nandito?"

Pinagpatuloy ko ang pagtitimpla ng gatas habang nakikiramdam sa kanya.

"Bumibisita lang. Nasaan si Ashton?"

"Di ko alam e, kasama ata si ate Camille." Kibit balikat akong pumunta sa sofa at umupo. "Kumusta nga pala kayo?" Balita ko, may problema sila. Hindi ko lang alam kung ano. "Narinig kong nakapasok na si Alys sa Eight Division. How's her?" Ilang araw na rin hindi umuuwi si Alys. Ni text o tawag wala kong matanggap mula sa kanya. Puro sila Ervin lang lagi ang nakikita ko sa bahay na to. Kung paano sila magalaskahan kung gano daw sila kapogi. Tss.

"Yeah, she successfully entered. I can't believe. Amazing, right?"

I nodded as my answer.

"How about you? Black Organization?"

Black Organization. Ilang araw na rin silang tahimik. Wala kong makitang kaduda duda sa labas. Mukhang hindi nila alam na nakabalik na ako dito.

"They're behave. For now on."

"Good. Buti hindi sila nakikidagdag sa problema."

Tumango ako muli. Bat nga kaya tahimik ang mga yon? Anong meron? Pero ayos na tong tahimik sila para hindi na ako makidagdag sa problema ni Alys.

"Nasaan yung tatlong-" bago pa matapos ang tanong ni kuya Yuan ay may pumasok ng unggoy mula sa main door

"Bat tol? Bat mo hinahanap ang gwapo kong mukha? Hanggang dito ba naman hahanap hanapin ang kagwapuhan ko?" Mayabang na tanong ni Alexis kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi ko alam kung saan ka nakakakuha ng kapal ng mukha para magfeeling close kay kuya Yuan, Fuentez."

"Luh siya? Epal ka te? Nagagagwapuhan ka lang sakin e." Lalo pa kong napairap sa sinabi ng hinayupak na mayabang na to. Kung pwede ko lang siya lasunin, ginawa ko na e. Napakayabang. Tsk.

"Fuentez" tawag ni kuya kaya napatingin si gago

"Na gwapo"

"Na gago rin" dagdag ko sa sinabi niya.

"Edi nge? Gagong gwapo. Happy?" Wala ng katapusan ang kayabangan niya. Unreachable.

"Binabantayan nyo ba to?" Napalingon ako kay kuya Yuan na nakatingin sa akin ngayon. Binabantayan nila ko?

"Oo naman yes. Kahit labag sa kagwapuhan ko magbantay ng panget."

Panget? What the hell.

"Good. I shall go ahead, kita nalang sa party bukas." Umalis na si kuya Yuan.

Kaming dalawa nalang ni Fuentez ang natira dito sa loob ng salas. "Where have you been?" Seryosong tanong ko. Kanina kasi, sabay sabay kaming umakyat at nagsituloy sa mga kwarto namin. And now, makikita ko nalang na kakapasok niya lang ng main door with his key on hand. Napapadalas ang pag alis niya sa gabi nitong mga nakaraang araw.

"Don't mind my business, Maxwell." Seryosong sagot niya. Walang halong biro.

Ano ba ginagawa niya at ganito siya ngayon? Ano tinatago niya?

"Ano ginagawa mo pag umaalis ka?" Tanong ko ulit. May mali. May mali sa mga ginagawa ni Fuentez.

Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko "Mind yourself. Matulog ka na, Haivara. May pupuntahan pa tayong party bukas. Good night." Tumalikod na siya at umakyat.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon