Chapter 20

10.4K 230 1
                                    

Alys'POV

"Miracle."

Mabilis ang paglingon ko sa boses ng pinanggalingan.

Ang lapad ng ngiti niya.

"Why are you here Mr Lim? You still have class right?"

"I'm looking for Ms Cruz, sandali lang naman" malditong sagot niya.

Napataas ang kilay ko ng tumingin siya sa akin.

Pumasok siya sa room at huminto sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa kanya kasama na ang mga kaklase kong shock sa pagdating ni Calvin.

Sinundan ko ang tingin ni Calvin dahil bigla siyang lumingon sa ibang dereksyon.

Ezekiel.

Kay Ezekiel siya nakatingin.

Tumalim ang tingin niya kay Ezekiel na ikinapagtaka ko. Bakit parehas silang nagsusukatan ng tingin?

Hinawakan ako sa kamay ni Calvin at hinila patayo. Napa aray naman ako dahil tumama ang hita ko sa ilalim ng desk.

"Sorry" sabi ni Calvin.

"O-Okay lang" may humawak sa isa kong kamay. Pagtingin ko, si Ezekiel.

"Get it off your pity hand, Lim."

"Lumayo ka dito, Palma! Baka hindi kita matansya."

Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Intense! Masama na ang tingin ni Calvin kay Ezekiel.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo, tol? Tangina naman, syota ko yan hinahawakan mo!" biglang sigaw ni Calvin

"Wag kayong mag aaway sa klase ko!!" galit na sigaw din ng teacher

"Tss." hinila ako ni Ezekiel kaya napabitaw sa akin si Calvin. "Are you okay?" natulala ako nang bigla niya akong halikan sa noo.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko malaman kung bakit ko 'to nararamdaman pero pakiramdam ko may mga kabayo sa puso ko at mukhang nag uunahan sila sa pagtakbo. Parang may fun racing sa puso ko dahil hinalikan niya ako sa noo.

Huli ko ng naramdaman na nagkakagulo na. Nagsusuntukan na silang dalawa. Hindi ako makagalaw. Pinapanuod ko lang sila. Natatakot ako. Natatakot ako at baka masuntok nila ako. Nakakatakot sila.

Napatakbo ako palabas ng kwarto. Sinigaw ni Calvin ang pangalan ko. Hindi ako lumingon. Tumakbo nalang ako. Mabilis ang takbo ko.

Bakit niya ako hinalikan sa noo? Bakit sila nagsusuntukan ni Calvin?Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko pero wala akong makuhang sagot.

"Where do you think you're going?" may humigit sa braso ko kaya napabalik ako at napayakap sa kanya. "Stay."

"N-Neyo..."

Kumalas ako sa yakap niya.

"Sa akin kana ba? :'> "

Agad ko siyang hinampas sa braso dahil sa kalokohan niya.

"Ito naman, hindi na nabiro. Haha."

"Paano ka tumatawa sa ganitong sitwasyon?" Inis kong tanong sa kanya.

"Bakit, may dapat ba akong ikalugmok?"

"Urg. Darn!"

"Hahaha ang panget mo! Tama na simangot. Tara hatid nalang kita sa inyo?!" tumango ako sa suggestion niya.

Tama, bahay lang kailangan ko. Kailangan ko lang magpahinga--sheyt! Naiihi ako !!!

"W-Wait lang ha? Kanina pa ako ihing ihi eh!" sabi ko at kumaripas ng takbo.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon