|Alys|
Paalis na sana kami nila Dashell ng may humarang sa aming limang lalaki at halatang tauhan sila ng Eight Division. "Mr Neal, pinapatawag po kayo ni Mr Pieces."
"Saan?" Nilingon ako ni Dashell "Next time nalang Ms Cancer. Mauna na po ako" magalang na sabi niya bago sumunod sa limang guard na yun.
"Ano naman kaya ipapakita sana nun. Sayang di nasaksihan ng maganda kong mata yung sinasabi niya. Saan na tayo Ms Alys?"
"Let's go home"
One message received.
Worldgovernmentxxx07151998-site.com
Para saan 'to?
**
Habang nasa byahe hindi ko mapigilan mag isip ng mga sunod na plano pagkatapos kong makapasok sa Eight Division. Medyo nawala ang focus reason ko kung bakit ako pumasok sa Eight Division. Nakalimutan ko na ang mga next step and next plan ko after I entered.
Pagkarating sa bahay ay agad akong nag open ng desktop para i-type ang link na pinadala ng sender.
"Congrats." Napalingon ako kay kuya Yuan na pumasok ng kwarto ng walang pasintabi ko. Nasasanay na siya masyado ha. "What was that?" He pointed the link I've typed. Bigla niyang pinatay ang desktop ko at hinila ako patayo.
"Gusto mo bang matrace ang location ng opener ng link na yan? You want to trace you? Delikado ang own user ng paggagamitan ng own laptop or even computer. You must rent a computer set. Yung malayo sa bahay. Eight Division ang may hawak n'yan at World Government ang gustong magpabagsak sayo. Don't forget that."
Bakit ang dami nitong alam?
"I once tried to enter at Eight Division. But I failed. It's years ago. Hindi mo pinag aralan ng mabuti ang mga ginagawa mo, Alys."
Pinasakay niya ako sa kotse niya. Siya na yung nagdrive habang ako nakikinig lang sa kanya. I don't know na may ganun proseso pala sa pagbubukas ng link na yun. Ang di ko lang maintindihan, e yung consenquence once na matrace ako or the other openers.
|Flashback|
"I'm going,"
Paalis na ako ng tawagin ulit ako ni Gemini,
"Wait, I forgot to gave this. This is the Eight Division License. Exclusive for Eight Division member and parts only. Once you lost this, you officially not a part of Eight Division even you're one of the leader. Take this license, Cancer. And good luck by the way."
Tinanggap ko at tinignan ang Lincense na sinasabi niya. Para saan 'to?
|End of Flashback|
"And yet, you don't know where to use and how to use it."
Napansin niya palang hawak ko ang License na to. At tama siya, ni hindi ko manlang pinag aralan kung saan ko gagamitin 'to. Di ko nabigyan atensyon. Pre-occupied ako kung paano ako papasok sa Eight Division kaya di na ako nakapaghanda ng maayos.
Maya-maya huminto ang sasakyan, malayo sa bahay, sa isang tapat ng Mini Cafe. "Are you sure na dito?" Sa isang maingay na Computer Shop? Dinig na dinig ko pa dito ang ingay, tawanan, at murahan ng mga nasa loob e. "Dito talaga ha?" I sarcastic asked.
"No choice Mira. Di ka naman nila guguluhin, don't worry."
Napatingin ako sa labas ng kotse. Mga tambay. Nag aaway. Nag iinuman. Mga mukhang adik. Mga patapon ang buhay. Sa isang lugar ng Eskwater area? Really? Really, hindi nila ako gagalawin ha?
"Tss let's go" bumaba na ako ng kotse at oh, they're looking on us. Ngayon lang nakakita ng mayaman? Ganun?
Hindi ko feel ang lugar na to para buksan ang link na 'to.
"May I rent?" Tanong ko doon sa nag babantay na agad naman tumango at inihatid ako sa may bandang dulo.
"Tang -na pre! Weak!"
"Gamitan mo ng skill!"
"Sus matatalo tayo sa pustahan n'yan e!"
"Tanga takbo na mamatay na yang hero mo"
Urg. Ang ingay. Sakit sa tenga nila.
"Ilang oras po?" Tanong nung babaeng nag aassist.
Ilang oras ba?
"Deretso lang miss," nilingon ko si kuya Yuan na nagsalita sa gilid ko "type mo na"
Agad kong tinype ang link. May lumabas na log on. "I don't have account"
"Then make"
Oo nga naman. Sungit yata nitong si kuya. Meron ba 'to? Red tide ba niya?
Pagkatapos kong gumawa ng email ay sinunod ko ang password- "Wrong." binack space niya yung email na ginawa ko at may tinype "Email ng buong taga Eight Division yan, sa password lang nagkakaiba. Yan ang silbi ng license mo. Kaya kung sino man ang kumuha nyan, matik na mabubuksan ang account mo since nandyan ang password. And aside from that, pwedeng maging credit card ang license na yan kapag ginamit mo sa Black Market or other organization. Lahat ng perang magagamit mo ay marereport sa Board Panel ng Eight Division kaya ayusin mo paggagamitan mo. Kung anuman binabalak mo o susunod mong gagawin, you better think ten times bago mo isakatuparan. Maraming gusto kumuha ng License ng Eight Division. Wag mong kakalabanin ang myembro ng Eight Division kung wala kang sapat na katayuan sa mundong meron tayo-"
"Masyado kang maraming sinasabi"
Kinuha ko ang License at tinype ang password. Gets ko na. Yung license ang password at credit card ko. Yung perang binayad ko, pumasok sa account ng Eight Division na gagamitin ng lahat ng may license.
Bumungad sa screen ang Request Board. Iba't ibang mission na may malaking pabuya.
"Sinubukan mo ba talagang pumasok sa Eight Division kuya Yuan?"
Nagpatuloy ako sa pag scan.
"Matalino ka talaga. May nagsabi lang sa akin ng mga dapat mong gawin." Napalingon ako sa sagot niya
"Sino?"
"Hindi na importante kung sino siya. He just saved you." Saved? Saan? Di nalang ako sumagot.
"Choose one, yung madadalian ka lang."
Ingay nito. Daming satsat. Hays.
"Next time na, pagod na ako. Uwi na tayo."
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...