Alys
"Hindi ko makuha 'yung punto mo kung bakit ka pa lumalapit sa akin. Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin sayo?" Tanong ko sa pagitan ng tahimik na paligid. Huminga ako ng malalim, mabuti nalang talaga at maayos ako mag isip ngayon.
"Hindi mo talaga makukuha ang punto ko dahil sarado ang isip mo." mahinang sagot niya mula sa sulok ng gubat
"Ezekiel, kung sarado ang utak ko, matagal na kitang napatay."
Tinignan niya ako. Mata sa mata. "At kung matagal na rin sarado ang utak ko, parehas tayong nasa impyerno ngayon." Napatiim bagang ako sa sinabi niya. Pota, kung bakit ba naman kasi wala akong dalang baril ngayon. Nangangati 'yung kamay kong butasin ang noo nito.
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis
"Alys..." napahinto ako ng marinig ko ang tono ng boses niya. Halos tumindig ang balahibo sa batok ko dahil sa tono ng pananalita niya. Nakakakilabot ang malumanay niyang pagtawag sa pangalan ko. "... I'm sorry,"
"For what Ezekiel?" tanong ko ng nakatalikod sa kanya
Habang tumatagal naguguluhan ako. Hindi ko talaga malaman kung ano ang nasa utak niya at kung para saan ang sorry niya.
Hindi niya pinansin ang tanong ko, "Nasaan na ang Alys na nakilala ko?"
This time, nilingon ko na siya. Ngumisi ako, "Hindi mo ba siya ramdam? Miss mo na ba 'yung sinaktan mo? Nakamoved on na siya. Puro galit nalang ang natira sa buong pagkatao niya..." tumalikod ako, "at kung iniisip mo kung bakit ako ganito, matagal ko ng binaon sa lupa ang Alys Miracle Cruz na nakilala mo." Magsisimula na ako ng maglakad ng magsalita na naman siya na hindi ko talaga nagustuhan sa pandinig ko.
"Naghihiganti ka ba dahil sa ginawa ko sayo, two years ago?"
Ang kapal! Ang kapal-kapal ng mukha! Bwisit! Ano ako, bitter? "H'wag kang umasa, Palma ka pa rin na pumatay sa ate ko. I'll kill you soon."
Umalis na ako pagkatapos kong bitawan ang mga sinabi ko. Ang lakas naman niya para isipin na naghihiganti ako sa ginawa niya. Ano mapapala ko sa mga ganung bagay? Tss.
Bumalik ako sa tent area na ngayon ay parang walang nangyari. Nailibing na rin ang katawan ni Jek sa gitna ng gubat. Sabi ni ma'am Rizon, wala na man daw maghahanap kay Jek dahil ulilang lubos na. Hindi na rin nila pinaalam sa pulis para hindi mag expose sa media at para maiwasan din ang tsismis about sa Gangster Kingdom. Tumabi ako kay Haivara na natutulog sa kabilang parte ng tent. Humiga ako at namahinga.
We are over.
Nagising ako dahil sa pag ring ng phone. Bumangon at inuga si Haivara dahil phone niya ang maingay. "May tawag ka." pupungas pungas ako ng mata habang nag uunat.
"Hello,"
Kinuha ko ang toothpaste sa bag ko tsaka 'yung toothbrush,
"What?... no! Hindi p-pwede!!!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Haivara, " I HANG UP THIS!"
"What happened?" bigla siya naging balisa. Nawalan din ng kulay ang mukha niya na parang may kinakatakutan. "Haivara?" bigla na rin siya umiyak at nagmadaling kuhanin ang mga gamit niya
"P-Papatayin nila a-ako! A-Ako na isusunod n-nila!!!"
Niyakap ko siya. Kahit na nagtataka ako, pinagpupulot ko na ang gamit ko at inalalayan siyang lumabas. Alas tres palang ng umaga kaya gumawa ako ng letter at iniwan sa loob ng tent. Lumakad kami ni Haivara palabas ng gubat. "N-Nandito s-siya! Papatayin na niya ako!" Hinawakan ko ang kamay niya at ramdam na ramdam ko ang panginginig niya.
Black Organization. Pero sino?
"Sino tinutukoy mo?" patuloy kami sa pagtakbo palabas ng baryo. Kailangan namin makaalis dito, hindi siya ligtas sa lugar na 'to at mas lalong hindi ko siya matutulungan dahil wala akong gamit na dala para sa pakikipaglaban.
"Si-"
"MANONG!" sigaw ko ng makakita ako ng trycicle, huminto 'to, "Manong sa sakayan ng Bus."
"Pauwi na ako mga iha-"
Naglabas ako ng two thousands, "Keep or Reject?"
At dahil pera ang nagpapaikot sa mundo, hinatid niya kami sa Bus station.
"Will you calm down Haivara?" tanong ko habang pasakay kami ng Bus. Hinila ko siya sa may bandang likod ko at naupo. Sa may bintana si Haivara habang ako ay nasa gilid niya.
"I c-cant... natatakot pa rin ako..."
Huminga ako ng malalim, "Matulog ka muna."
"P-Pero-"
"Sundin mo nalang ako."
Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Isinandal niya ang ulo niya sa headrest at pumikit.
Kinuha ko ang earphone ko at nakinig ng kanta.
Halos alas syete na ng umaga ng magising si Haivara. Saktong gising niya ay bumaba na kami ng bus tsaka ulit sumakay sa bus na papunta sa city namin. Naglakad kami ulit sa may bandang likod kung saan may tatlong nakaupo sa mismong dulo.
"Haiva-" 'di ko namalayan na nakaupo na siya. Nang lapitan ko siya, nakayuko siya habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa upuan. Nakahood na rin siya ngayon dahil siguro sa malamig ang bus na sinakyan namin. Wala akong nagawa kundi ang maupo nalang din sa tabi niya.
Third Person
Lingid sa kaalaman ni Alys na may kasama sila na myembro ng Black Organization. Hindi pa nito nadidiskubre kung bakit nanginginig si Haivara.
Isa lang ang tumatakbo sa isip ni Haivara, hindi siya pwedeng makita nito.
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...